Nawala ba o nasira ang iyong SIM card – ito ang dapat mong gawin

Nawala ba o ‘di kaya nasira ang iyong SIM card kung kaya hindi mo magamit ito para tumangap at magpadala ng tawag o text message?

Paano marecover o maibalik ang cell phone number
Paraan kung paano maibalik ang SIM card na nawala

Huwag kang mag-alala dahil may solusyon kung nawala o nasira ang iyong SIM card. Ito ang dapat mong gawin para ma-block ang number ng SIM card at maaari mo pa itong maibalik at magamit ulit ang dati mong cell phone number.

Paano marecover o maibalik ang number mula sa nawala o nasira na SIM card?

Maraming Pilipino na gumagamit ng prepaid SIM card na hindi pa rin nila alam na pwede pala nilang ma-recover, ma-retrieve o maibalik ang kanilang cell phone number mula sa nawala o nasira nilang SIM card. Kaya ang ginagawa ng iba, bumili na lamang sila ng bagong SIM card.

Kapag bagong SIM card, pati na rin ‘yung number nila ay bago. Kaya bigla-bigla may nagte-text o nag-missed call sayo, akala mo kung sino, ‘yon pala kung kakilala mo. Tatawag sila o magte-text at sasabihin nilang bagong number pala nila iyon.

Pero kung alam nila ang dapat nilang gawin kung nawala o nasira ang kanilang SIM card, madali nilang mare-recover o naibabalik ang dating cell phone number mula sa nasira o nawala nilang SIM card. Gamit ang bagong SIM card pero dating number, pwede ulit itong makatanggap at makapagpadala ng text message at tawag.

Hindi na gumagana ang SIM card?

Kung hawak mo ang iyong SIM card na hindi na gumana, huwag mo itong itapon. Dalhin mo na lang ito sa Smart o Globe service center/store para mapalitan nila ng bago at kailangan mong bayaran ang SIM card.

Kung Smart, Talk ‘N Text o Sun Cellular ang iyong SIM card, dalhin ito sa malapit na Smart store. Kapag TM o Globe ang iyong SIM, dalhin mo ito sa pinakamalapit na Globe store.

Dalhin ang iyong SIM card pati na rin buong card na kasama ng SIM cut para may ibedinsya ka. Huwag mahiyang pumasok sa Smart o Globe store. Tanungin at sabihin sa security guard na gusto mo na magpapalit ka ng SIM card at ituturo sayo kung saan ka pipila (syempre kung maraming customer).

Nawala ang SIM card at walang maipakita?

Kung wala kang SIM card na maipakita bilang ibedinsya, kailangan mong magpagawa ng ‘Affidavit of Loss’ na notaryado ng isang abogado at isang valid ID para mapalitan ng bagong SIM ang nawawala mong SIM card.

Kung mayroon ka na nito, iblo-block ang number ng nawala mong SIM card at gagawan nila ng paraan para marecover ang dati mong cell phone number.

Kapag narecover na nila ng dati mong number, ia-assign nila ito sa bagong SIM card na ibibigay sa iyo para pwede mo ulit magamit ang dati mong cell phone number.

Para makakuha ka ng ‘Affidavit of Loss’, pumunta sa pinakamalapit na serbisyo abogado para magpaggawa nito. Mula PhP 250 lang ang babayaran mo para sa pagpapagawa ng ‘Affidavit of Loss’.

Dalhin lamang ang Affidavit of Loss na ito at isa mong valid ID sa service center o store ng Globe o Smart para may maipakita ka. Kukunin nila ito at ive-verify nila. Sundin na lamang ang mga susunod na hakbang na sasabihin ng personnel a iyo.

Ito ang mga paraan kung paano mare-recover, mare-retrieve o maibabalik ang iyong cell phone number mula sa nawala o nasira mong SIM card. Sana may bagong kaalaman na naman ang napag-aralan ninyo at sana huwag mong kalimutang ibahagi ito sa ibang tao na hindi nakakaalam nito.

22 thoughts on “Nawala ba o nasira ang iyong SIM card – ito ang dapat mong gawin

    1. Hi, bakit po nabali? Pwede naman po siguro basta dalhin ‘nyo pa rin ibang requirements. May mga ilang tanong din na kailangan ‘nyo po sagutin.

  1. Please help! Biglang nawala ang signal ng globe sim ko at kahit anong gawin ko hindi pa rin gumagana ang signal n’ya. Na-off ko na, pinunasan, nag-reboot, airplane mood at nalagay ang sim sa ibang phone pero wala paring signal.

    Bigla-bigla lang kasi s’ya nawawalan ng signal at sabi ‘sim not available’ or ‘sim access error’. Please patulong naman oh, kelangan ko talagang ma-fix kasi nakasalalay ang trabaho ko dito. Salamat sa tutulong.

    1. Hello po, nagkakaroon po talaga ng ‘temporary service interruption’ ang Globe dahil sa internal problems (server issue) atbp.

      Ang gawin ‘nyo po, check ‘nyo po kung naka-auto o naka-default ang network connection ‘nyo sa ‘Settings’ > ‘Connections’ > ‘Mobile Networks’ > ‘Network Mode’ ng cellphone ‘nyo. Switch ‘nyo ang ‘Network Mode’ sa mas mababa tulad ng 2G o 3G tapos check ‘nyo po kung may pagbabago sa signal bar ‘nyo.

      Subukan ‘nyo rin po mag-text at mag-activate ng data connection ‘nyo at mag-access sa internet kung may mobile data pa po kayo. Saka na lang po kayo mag-switch ng mas mataas na ‘Network Mode’ (3G/4G) para mas maganda ang mobile internet connection ‘nyo.

      Kung ganito po na alam ‘nyo na may mali sa signal reception sa area o concerns, mas maganda po mag-message at mag-report po kayo sa official facebook/twitter page ng ‘Globe Telecom’.

  2. Hi po, nanakaw po kasi ‘yung phone ko tas ‘yung sim ko po, importante kasi ‘yun po and ginagamit ko sa online business at other transactions. Pwede ko po ba ‘sya ma retrieve? Thanks.

    1. Hello, kung nabasa ‘nyo po nang maayos ang article na ito, opo, pwede ‘nyo po mapa-block at ma-retrieve ang number basta pumunta po kayo sa Globe/Smart store dala ang mga requirements at doon po kayo magpatulong.

      May mga ilang tanong din na kailangan ‘nyo po masagot tulad nang kung anong huling promo ang ni-register ‘nyo sa number ng SIM na nawala, pero kung hindi ‘nyo po maalala, sabhihin ‘nyo na lang po medyo makakalimutin kayo basta huwag ‘nyo po kalimutan dalhin ang mga importanting requirements.

  3. Nasira ‘yung sim card ko pero nasa akin pa, pwede bang papalitan, need pa ba ng affidavit of loss? Salamat sa sagot.

  4. Nawawala po kasi ang sim card ko at may mahalagang text po na naipadala don at panigurado po akong tadtad na yon, ‘pag pinarecover ko po ba yung number ko na yon mapapasok ba lahat ng message don na galing sa dati kong sim card?

    1. Hello po, mas maganda na mag-message na lang po kayo facebook page ng mobile network na galing SIM para mas sigurado.

    2. Hello po, paano po magpalit ng sim nang hindi po napapalitan ‘yung dating number ko? Pang-load wallet ko po kasi kaso hindi ko na magamit ‘di kasi pumapasok ‘yung load sa personal ko e… Help me po please.

      1. Hello, ang dapat ‘nyo po gawin (kayo mismo na may-ari ng SIM), ay pumunta sa pinakamalapit na store ng mobile network provider ng SIM na gamit ‘nyo para mapalitan.

        Magdala na rin po kayo ng proof na kayo ang may-ari ng SIM tulad ng mismong defective SIM (if available), SIM card bed o SIM plate (ito po ‘yung parang ATM card kung saan nakalagay at inalis ‘yung SIM), G-Cash o Smart Money card (if registered), at valid ID (at authorized Affidavit of Loss mula sa attorney naman kung nawala o ninakaw ang SIM).

        Tatanungin at pagpipirmahin po kayo ng forms. Ipa-process po nila at pwede ‘nyo po makuha ang SIM within 24 hrs.

  5. Good day po, ask ko lang kung pwede ko pa bang makuha o mai-transfer from another sim card yung regular load na laman ng aking previous sim card na nawala? I hope matulungan po ninyo ako, maraming salamat.

    1. Hello po! Pasensya po pero hindi kami sigurado sa sitwasyon ‘nyo dahil parang walang pag-asa pa na makuha ‘nyo ang load dahil ang kailangan para makapag-transfer ng load ay ‘yung SIM po na may load. Eh sa kaso ‘nyo po ay ‘yung may SIM na may load ang nawala…

      Mas maganda rin po kung mag-message po kayo sa official facebook page ng Globe Telecom para tignan nila kung magawan ng paraan.

  6. Eh kung nawala na talaga ‘yung sim at ‘yung pinagcuttan ng sim card, anung gagawain dun kahit may affidavit of loss ka na, valid id at kahit may record ka na katuyan talaga na sayo talaga ‘yung mobile number na ‘yun katulad nang pldt nag-fill-up ka ng form at ‘yung number na kalagay dun sa form ‘yun ung mobile number mo…

    Ngayon ayaw ka pa din nila bigyan… Katulad sa western, katuyan na may record at nakafill dun ‘yung name mo at moblie number mo pero ayaw ka pa rin nila gawan ng sim card na same number? Ang bulok sa sistema ng smart, may affidavit of loss ka na tapos may valid id ka na nga at may katunayan na ng fill ka ng form yung mobile number mo pa ang nakalagay dun.

    1. Hello po! Nasubukin na n’yo po ba magpawaga nang bagong sim card na may parehong number doon sa nawalang sim? Mas maganda po na sa susunod na lang na pagbili n’yo ng bagong SIM card, itabi at alagaan n’yo na lang po ‘yung PVC card kung saan nakalagay ‘yung regular/micro cut na SIM kasi ‘yun po talaga ang patunay na sa inyo ang SIM card…

      Isa pa po, baka mas mahigpit ngayon dahil sa mga issues/cases ng cybercrime, identity theft, etc.

Leave a Reply

Your email address will not be published.