Nawala ba o nasira ang iyong SIM card – ito ang dapat mong gawin

Nawala ba o ‘di kaya nasira ang iyong SIM card kung kaya hindi mo magamit ito para tumangap at magpadala ng tawag o text message?

Paano marecover o maibalik ang cell phone number
Paraan kung paano maibalik ang SIM card na nawala

Huwag kang mag-alala dahil may solusyon kung nawala o nasira ang iyong SIM card. Ito ang dapat mong gawin para ma-block ang number ng SIM card at maaari mo pa itong maibalik at magamit ulit ang dati mong cell phone number.

Paano marecover o maibalik ang number mula sa nawala o nasira na SIM card?

Maraming Pilipino na gumagamit ng prepaid SIM card na hindi pa rin nila alam na pwede pala nilang ma-recover, ma-retrieve o maibalik ang kanilang cell phone number mula sa nawala o nasira nilang SIM card. Kaya ang ginagawa ng iba, bumili na lamang sila ng bagong SIM card.

Kapag bagong SIM card, pati na rin ‘yung number nila ay bago. Kaya bigla-bigla may nagte-text o nag-missed call sayo, akala mo kung sino, ‘yon pala kung kakilala mo. Tatawag sila o magte-text at sasabihin nilang bagong number pala nila iyon.

Pero kung alam nila ang dapat nilang gawin kung nawala o nasira ang kanilang SIM card, madali nilang mare-recover o naibabalik ang dating cell phone number mula sa nasira o nawala nilang SIM card. Gamit ang bagong SIM card pero dating number, pwede ulit itong makatanggap at makapagpadala ng text message at tawag.

Hindi na gumagana ang SIM card?

Kung hawak mo ang iyong SIM card na hindi na gumana, huwag mo itong itapon. Dalhin mo na lang ito sa Smart o Globe service center/store para mapalitan nila ng bago at kailangan mong bayaran ang SIM card.

Kung Smart, Talk ‘N Text o Sun Cellular ang iyong SIM card, dalhin ito sa malapit na Smart store. Kapag TM o Globe ang iyong SIM, dalhin mo ito sa pinakamalapit na Globe store.

Dalhin ang iyong SIM card pati na rin buong card na kasama ng SIM cut para may ibedinsya ka. Huwag mahiyang pumasok sa Smart o Globe store. Tanungin at sabihin sa security guard na gusto mo na magpapalit ka ng SIM card at ituturo sayo kung saan ka pipila (syempre kung maraming customer).

Nawala ang SIM card at walang maipakita?

Kung wala kang SIM card na maipakita bilang ibedinsya, kailangan mong magpagawa ng ‘Affidavit of Loss’ na notaryado ng isang abogado at isang valid ID para mapalitan ng bagong SIM ang nawawala mong SIM card.

Kung mayroon ka na nito, iblo-block ang number ng nawala mong SIM card at gagawan nila ng paraan para marecover ang dati mong cell phone number.

Kapag narecover na nila ng dati mong number, ia-assign nila ito sa bagong SIM card na ibibigay sa iyo para pwede mo ulit magamit ang dati mong cell phone number.

Para makakuha ka ng ‘Affidavit of Loss’, pumunta sa pinakamalapit na serbisyo abogado para magpaggawa nito. Mula PhP 250 lang ang babayaran mo para sa pagpapagawa ng ‘Affidavit of Loss’.

Dalhin lamang ang Affidavit of Loss na ito at isa mong valid ID sa service center o store ng Globe o Smart para may maipakita ka. Kukunin nila ito at ive-verify nila. Sundin na lamang ang mga susunod na hakbang na sasabihin ng personnel a iyo.

Ito ang mga paraan kung paano mare-recover, mare-retrieve o maibabalik ang iyong cell phone number mula sa nawala o nasira mong SIM card. Sana may bagong kaalaman na naman ang napag-aralan ninyo at sana huwag mong kalimutang ibahagi ito sa ibang tao na hindi nakakaalam nito.


Posted on:

Tags:

Comments

205 responses to “Nawala ba o nasira ang iyong SIM card – ito ang dapat mong gawin”

  1. Mariz

    Magandang gabie po. Nagulat na lang po ako na naka lagay na sa cellphone ko is insert sim card, ‘pag nilagay ko rin sa ibang phone ang sim ko naka lagay sin rejected. Pano po ‘to? Pwede pa kaya tong maibalik kasi may mga importanti po akong hinihintay na tawag gaya ng sss, pag-ibig at iba Pa. Sana maka-recover pa po tong sim card ko na TNT. Salamat po at God Bless! ❤️

    1. EkstraTips Team

      Hi, ginagamit ‘nyo pa rin po ba ito (as in nagte-text o tumatawag kayo gamit ang SIM) at bigla na lang nagkagnito ngayon? Pwede naman po depende nga lang po sa kaso nang SIM ‘nyo. Kung deactivated na ito ay hindi na pwede ang SIM Replacement.

      Kung iba ang problema nito, pwede po ang SIM Replacement. Dalhin ‘nyo po ang SIM Card (at SIM Card Holder kung meron pa) at valid ID.

      Check ‘nyo po ibang replies dito para sa karagdagang impormasyon.

    2. Rechelle

      Hello po, pwede bang ilipat ang na-register na load sa ibang sim kasi yung cherry ko di makatawag sa globe sayang ng load di magagamit.

      1. ET Team

        Hi, registered sa promo o regular load po ba yan? Kung regular load, pwede yata i-send sa Cherry, Globe o TM lang. Kung registered sa promo hindi po yata pwede ipasa sa iba.

        To send, Text <11-digit number recipient> then send to 2172. Example: 09019878310 25 (send to 2172)

  2. John

    Hi, tanong sana ako, pwede pa ba mailipat yong number ko sa isang sim card? Kasi nasira yong sim ko pero yong nasira po andito pa sa akin. May kailangan pa ba akong id or paper na ipakita para lang mailipat yong number ko sa isang sim card? Thanks po.

    1. EkstraTips Team

      Hi, kailangan ‘nyo po nang SIM Replacement depende nga lang po sa kaso nang SIM ‘nyo. Kapag deactivated na ang SIM ‘nyo, hindi na po pwede ma-recover ang phone number through SIM Replacement. Ano po ba ang sira nang SIM ‘nyo?

      Nade-deactivate ang SIM kapag wala itong load na kahit piso sa loob nang 120 days o 4 months.

      Pero po kung ginagamit ‘nyo po ito (nagte-text o tumatuwag kayo – gamit ang SIM) at bigla na lang nasira o hindi na sumasagap ang signal at nasa inyo pa ang SIM, pwede po kayo magpa-SIM Replacement. Dalhin ‘nyo po ang SIM Card (at SIM Card Holder kung nasa sa inyo pa) at valid ID.

  3. Jeser

    Ano po ang gagawin ko dahil hindi na po maka-kontak at hindi na din rin makontak pero nakaka-recieve po ng text? Ano po ang pwede ko po gawin?

    1. EkstraTips Team

      Hi, kung may load naman at may signal naman pero ‘di po talaga nakakagawa o nakakatanggap nang tawag, try ‘nyo po sa ibang phone kung meron man. Kung ‘di talaga wede, i-secure ‘nyo po ang mga requirements para sa SIM Replacement at punta po kayo sa malapit na Globe/Smart store.

  4. Kate

    Magandang araw po sa inyo, nawala ko rin po yung phone ko kasama yung luma kong sim nung 2018 pa sa bus, hindi na po mahalaga sakin ang mga yun kundi lamang dahil sa gmail ko. Kailangan kasi ng Google ang code na pinasa nila sa luma kong sim para marecover ko yung account ko sa gmail.

    Sana po ay may sulosyon na maaring makatulong sa pagrecover ko ng luma kong gmail. Malaking bagay po para sakin na may posibilidad pang maayos ko ang problema ko sa gmail dahil importante sakin yun, kahit sa ngayon ay gumawa ako ng panibago para lng may magamit ako

    1. EkstraTips Team

      Hi, hindi sure kung pwede pa bang papalitan ang SIM ‘nyo kahit ganyan katagal. I-message or tawagan ‘nyo po ang Globe sa official social media pages o contact numbers nila para malaman ‘nyo. Baka po sa tagal nyan ay na-recycle ang number at available na ulit sa iba.

      Lesson learned na lang po sa ating lahat na kapag ganito na nawala ang phone at SIM natin, make sure na i-update ang mobile numbers (nang bagong phone number) na associated/linked sa emails, social media accounts, o bank accounts natin dahil kailangan na parating may access tayo sa linked phone numbers para sa verifications at password recovery nang ating online o bank accounts kung nagkaproblema.

      At punta po kayo sa malapit na Globe/Smart Store with the right SIM Replacement requirements para po mapapalitan agad nang bagong SIM ang nawalang SIM.

  5. Abigail

    Hello, nasira po kase yun sim ko tanung ko lang po pano ko po kaya mahahabol yun text message sakin? Pwede ko pa ba makita yun text sakin kase po importante yun?

    1. EkstraTips Team

      Hi, kung nasa sa inyo po yung SIM card, pwede ‘nyo po papalitan sa malapit na Globe store pero basta hindi na ito deactivated (deactivated na kung walang signal na nasasagap).

      Kung nawala po yung SIM Card at basta hindi rin deactivated, kailangan ‘nyo po yung SIM Card Holder/Bed (yung pvc card na nakaprint yung PINs/PUKs) at valid Government ID. Kung wala na rin ang SIM Card Holder, magpapagwa po kayo nang notarized na Affidavit of Loss mula sa attorney.

  6. Anonymous

    Pwede pa po kayang ma retrieve yung phone number ko kahit isang taon na po itong nawala? Nawala po kasi ang phone ko last year kasabay po ng simcard ko, ngayon ko lang po nalaman na pwede po itong iretrieve. Salamat po.

    1. E.T Team

      Hi, not sure po kung pwede kahit ganun katagal. Magmessage o tumawag na lang po kayo sa customer service nang Globe sa official facebook/twitter o contact numbers nila, basta nasa inyo rin po ang mga requirements.

  7. Kimberly

    Hello, tanong ko lang po. Possible pa po ba makita yung mga text message sa lumang sim? ‘Yung sim card ko po kasi hindi sya nagamit or na-insert sa cp. May text message po kasi na importante this month of may lang na kelangan ko po makita. Possible pa po ba yun makita? BTW po, ayos pa naman yung sim kasi nung ininsert sa cp, may signal pa, and na-try ko na rin tawagan. Thank you.

    1. ET Team

      Hi, make sure po na parating may load ang SIM ‘nyo kahit na piso para po hindi ito ma-deactivate. Regarding naman po sa unang tanong ‘nyo, dapat po pag-insert ‘nyo sa CP dapat magpakita doon ang text message unless na lang po kung puno na ang memory nang SIM card. Kung pwede, ipa-resend ‘nyo na lang po ulit ang text message sa SIM.

      Hindi rin sigurado at kung anong requirements ang kailangan kung gustong pakuha o alamin ang text messages na natanggap ng SIM. I-contact ‘nyo na lang po ang network nang SIM ‘nyo for further information. Tawagan ‘nyo po ang customer service nila para sigurado.

      1. Cristian

        Sir, pa’no po yung SIM card ko nay signal pero emergency call ang lumalabas. ‘Di po siya makatanggap ng text o call. Paano po gagawin?

        1. EkstraTips Team

          Hi, ‘di po ba kapag walang signal at zero-bar ay “Emergency Call” ang lumalabas? Kung ginagamit ‘nyo po ito ngayon at bigla itong nangyari, subukin ‘nyo sa ibang cellphone.

          Kung hindi pa rin po gumagana, pwede ‘nyo po papalitan. Basahin po ulit itong post na ito para sa karagdagang kaalaman pati na rin po ibang replies dito.

          1. Susan

            Sir ‘pag naayos po ba ‘yung sim card, lahat po ba ng text na hindi pumasok, papasok po ba ‘pag ayos na yung sim card ulit? kasi po may hinihintay po ako text o yung mga late ng text.

            1. EkstraTips Team

              Hi, basta naayos na ang SIM ‘nyo, ayos na. Ano po ba yung text na hindi pumaso o hinihintay ‘nyo? Kahit auto-generated naman po na text pwede ‘nyo ipa-resend ulit.

  8. Carol

    Iaask ko nwala Ang cp ko at ung number syempre nndun.. tinwagn ko agad ung cp ko pero never n nag ring.. nagttaka ako na tumwag Ang friend ko skin at ung number nwala Ang tinwagn Nia nagttaka akong bag ring ito at kinusap ko…pa sia.. ngttka Sia bkit daw Nia ko ntwagn e sinbi ko daw mwwala cp ko lumlbas tuloy sinungaling ako..pero naalala ko ung sim ko ngamit ko dati un dito s cp n gingagmit. Ko ngayon possible b nmtawagn tlga ako

    1. E.T. Team

      Hi, paki-ayos po ang pagsulat para mas madaling maintindihan. Baka po ibang SIM Card ang nasa nawalang cellphone. Basta kung sino po ang nakakuha ng cellphone ‘nyo, siya na po ang may control dito unless tawagan ang mga kakilala ‘nyo para ibalik ito.

      1. Norbert

        Nawala po sim ko ‘di ko po alam san ko po nailagay or naitapon po. May importante po kasi text dun, kailangan ko po makuha sana po matulungan nyo po ako.

        1. E.T. Team

          Hi, kailan po ito? Check ‘nyo po requirement sa post na ito kung nawala ang SIM ‘nyo (tulad nang Valid ID, SIM Bed at Affidavit of Loss mula sa isang attorney). Punta po kayo sa store/outlet nang mobile network service provider ‘nyo.

          Next time po kapag bumili po kayo nang bagong SIM Card, huwag ‘nyo po itapon ang SIM Bed na kasama nang regular/micro/nano SIM. Kapag magpapalit din kayo nang mobile number, make sure rin na palitan ‘nyo ang mobile numbers na naka-associate o naka-link sa mga social media o email accounts ‘nyo bago ‘nyo itapon ang SIM na gusto ‘nyo palitan.

          1. Charry

            Hi, paano po ba ‘yun ma’am/sir, sobrang tagal na ‘yung sim kong nawala gusto ko po sana pag-uwe ko ‘yun padin pa rin ung gagamitin kong sim card. Its a posible bang maibabalik pa rin po ‘yung dating number ko. Thanks for answering.

            1. EkstraTips Team

              Hello, kung ito po Prepaid SIM at 3-4 months katagal o higit pa na walang load, siguradong deactivated na po ang SIM at hindi na po ito pwede.

        2. Mary

          Mare-retrieve pa po ba ang mga texts dun sa nawalang sim card?

          1. EkstraTips Team

            Hi, hindi po pero pwede ‘nyo naman po ipa-resend kung naretrieve ‘nyo na mismo ang number.

      2. Ja

        Hi, paano po kung patuloy pa rin na naka ’emergency calls only’ ang iyong sim card? TM po ang aking sim. Nagsimula po mangyari iyon nung nilipat ko yung sim sa ibang cellphone. Ano po ang maaari kong gawin upang maibalik sa dati? Salamat po.

        1. EkstraTips Team

          Hi, try ‘nyo po ibalik sa dating cellphone at tignan ‘nyo po kung gumagana talaga. Kung hindi pwede, make sure na malinis ang SIM at try ‘nyo rin po i-restart ang phone. Kung talaga gumagana, check ‘nyo po ang ibang replies sa parehong problema rito.

          1. Mam, paano po yung sa asawa ko nung may po na block sim card namin tapos need namin sya maibalik kase need sa ayuda. Pwede pa po ba namin magamit ulit yung number na na-block? Magpapa-lost affidavit na lang po wala na rin kase yung bedframe ng sim card.

            1. EkstraTips Team

              Hi, paano po na-block at kung na-block po ba o na-deactivate na ang SIM? Kung na-block at nasa inyo ang SIM card, dalhin ‘nyo po kasama ang valid ID sa malapit na Globe(TM) o Smart(TNT/Sun Cellular) store para sa SIM Replacement.

              Hindi ‘nyo na po kailangan magpagawa nang Affidavit of Loss sa isang attorney basta nasa sa inyo pa ang SIM Card kahit wala na ang SIM Card Bed/Holder.

  9. Anonymous

    Good eve po, paano po kung hindi na po maloadan ang sim card pero nakaka-recive pa rin ng call and text. Paano po siya malalagyan ng load ulit? Thank you.

    1. EkstraTips Team

      Hi, paanong hindi ‘nyo po ito maloadan at paano ‘nyo po alam na pwede ito maka-receive ng call at text? Madali lang naman po basta alam ‘nyo ang cellphone number nang SIM Card, pwede na po kayo magpa-load sa mga load retailers.

      1. Anonymous

        Hi, maganda araw. ‘Yung sim ko po kasi wala ng signal at hindi na rin nakakatanggap ng text and call pero ‘yung mga contacts ko na naka-save sa mismong sim ko ay andun pa din rin. Ilang buwan na pong ganoon ‘yun. Mga 5 months na po siguro or 4 months. May chance pa po bang mapalitan ng new sim ‘yun with same number kahit napalitan na po ‘yun ng free nung pina-4G ko po. Maraming salamat po sana masagot niyo po.

        1. EkstraTips Team

          Hi, depende po. Kapag deactivated na ang SIM hindi na pwede mapalitan pa. Matagal na po ba ‘nyo hindi ginagamit ang SIM bago ‘nyo po nalaman na hindi na ito gumagana?

          Check ‘nyo po ang ibang comments dito po sa ibang impormasyon o pwede ‘nyo rin i-contact ang mobile network servce provider ‘nyo.

          1. Anonymous

            Magandang araw po. Ganun din po ‘yung sim card ko. Wala na signal at di na makatangap ng text. Pwede pa po ba to mapalitan na ng sim card na ganun pa rin ung number. Thank you po.

            1. EkstraTips Team

              Hi, depende po. Kung deactivated na ang SIM, hindi na pwede mapapalitan (deactivated na kung wala itong load na at least 1 peso sa loob nang 4 months).

              Pero kung ginagamit ‘nyo po ito at biglang nagganun (o nawala o basta nasira), pwede ‘nyo po papalitan.

  10. Jcel

    Paano po yun, nawala ko po yung sim ng asawa ko na tnt pero memorize ko naman number. Pwede po kaya mabalik yun kasi ifo-forgot ko password nya sa fb kasi nakalimutan ko pass[word] at ‘di ko mabuksan at ‘pag nag-reset, need kasi code na ite-text sa sim na naka-input sa fb nya?

    1. EkstraTips Team

      Hi, basta po nasa inyo ang requirements tulad nang yung Affidavit of Loss, valid ID, at yung SIM Bed.

      Kung gusto ‘nyo naman po marecover ang facebook account kahit wala na ang SIM, subukan ‘nyo po itong guide, click here.

      Kapag naka-associate naman po ang email address (kung meron man) sa facebook account nang gusto ‘nyong i-recover, basta may access din po kayo doon sa email add. na iyon (alam ‘nyo rin po ang email/phone number at password ng email account), pwede ‘nyo piliin ang option to get code via email.

      1. Carlo

        Ang sim ko po ay matagal ko nang ‘di naloloadan pero naka-insert po sya sa cp ko, ‘di po ako maka-receive ng text and call at wala rin pong signal. Ano po ang dapat kong gawin? Salamat po.

        1. E.T. Team

          Hi, kapag po walang load, as in zero balance, ang SIM ‘nyo nang 4 months (120 days), siguradong made-deactivate ang SIM at hindi na ito gumana. Hindi na rin po ito pwede papalitan sa network provider ‘nyo. Kailangan ‘nyo po bumili ulit nang bagong SIM kung gusto ‘nyo.

          Sa susunod po, make sure po na at least kahit may ₱1 load balance ang SIM ‘nyo. Ang validity po yata nang ₱1 load ay 1 year ngayon (not sure, ₱15 and above lang po yata ang may 1 year validity).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *