Nawala ba o nasira ang iyong SIM card – ito ang dapat mong gawin

Nawala ba o ‘di kaya nasira ang iyong SIM card kung kaya hindi mo magamit ito para tumangap at magpadala ng tawag o text message?

Paano marecover o maibalik ang cell phone number
Paraan kung paano maibalik ang SIM card na nawala

Huwag kang mag-alala dahil may solusyon kung nawala o nasira ang iyong SIM card. Ito ang dapat mong gawin para ma-block ang number ng SIM card at maaari mo pa itong maibalik at magamit ulit ang dati mong cell phone number.

Paano marecover o maibalik ang number mula sa nawala o nasira na SIM card?

Maraming Pilipino na gumagamit ng prepaid SIM card na hindi pa rin nila alam na pwede pala nilang ma-recover, ma-retrieve o maibalik ang kanilang cell phone number mula sa nawala o nasira nilang SIM card. Kaya ang ginagawa ng iba, bumili na lamang sila ng bagong SIM card.

Kapag bagong SIM card, pati na rin ‘yung number nila ay bago. Kaya bigla-bigla may nagte-text o nag-missed call sayo, akala mo kung sino, ‘yon pala kung kakilala mo. Tatawag sila o magte-text at sasabihin nilang bagong number pala nila iyon.

Pero kung alam nila ang dapat nilang gawin kung nawala o nasira ang kanilang SIM card, madali nilang mare-recover o naibabalik ang dating cell phone number mula sa nasira o nawala nilang SIM card. Gamit ang bagong SIM card pero dating number, pwede ulit itong makatanggap at makapagpadala ng text message at tawag.

Hindi na gumagana ang SIM card?

Kung hawak mo ang iyong SIM card na hindi na gumana, huwag mo itong itapon. Dalhin mo na lang ito sa Smart o Globe service center/store para mapalitan nila ng bago at kailangan mong bayaran ang SIM card.

Kung Smart, Talk ‘N Text o Sun Cellular ang iyong SIM card, dalhin ito sa malapit na Smart store. Kapag TM o Globe ang iyong SIM, dalhin mo ito sa pinakamalapit na Globe store.

Dalhin ang iyong SIM card pati na rin buong card na kasama ng SIM cut para may ibedinsya ka. Huwag mahiyang pumasok sa Smart o Globe store. Tanungin at sabihin sa security guard na gusto mo na magpapalit ka ng SIM card at ituturo sayo kung saan ka pipila (syempre kung maraming customer).

Nawala ang SIM card at walang maipakita?

Kung wala kang SIM card na maipakita bilang ibedinsya, kailangan mong magpagawa ng ‘Affidavit of Loss’ na notaryado ng isang abogado at isang valid ID para mapalitan ng bagong SIM ang nawawala mong SIM card.

Kung mayroon ka na nito, iblo-block ang number ng nawala mong SIM card at gagawan nila ng paraan para marecover ang dati mong cell phone number.

Kapag narecover na nila ng dati mong number, ia-assign nila ito sa bagong SIM card na ibibigay sa iyo para pwede mo ulit magamit ang dati mong cell phone number.

Para makakuha ka ng ‘Affidavit of Loss’, pumunta sa pinakamalapit na serbisyo abogado para magpaggawa nito. Mula PhP 250 lang ang babayaran mo para sa pagpapagawa ng ‘Affidavit of Loss’.

Dalhin lamang ang Affidavit of Loss na ito at isa mong valid ID sa service center o store ng Globe o Smart para may maipakita ka. Kukunin nila ito at ive-verify nila. Sundin na lamang ang mga susunod na hakbang na sasabihin ng personnel a iyo.

Ito ang mga paraan kung paano mare-recover, mare-retrieve o maibabalik ang iyong cell phone number mula sa nawala o nasira mong SIM card. Sana may bagong kaalaman na naman ang napag-aralan ninyo at sana huwag mong kalimutang ibahagi ito sa ibang tao na hindi nakakaalam nito.


Posted on:

Tags:

Comments

205 responses to “Nawala ba o nasira ang iyong SIM card – ito ang dapat mong gawin”

  1. Angellyn

    Hi, good afternoon, tanong ko Lang yung smart prepaid ko nag-expire na, hindi ko na magamit yung card load. Magagawa pa ba sya ng paraan? Kaka-expire nga lang ng 2 4 2021.

    1. EkstraTips Team

      Hello, once na nag-expire na po yung SIM Card ‘nyo, hindi na po talaga ito pwede sa SIM Replacement.

  2. Irish

    Puwede po ba ma-retrive ang mga namiss na text message kapag nakuha na ang sim card replacement? TIA

    1. EkstraTips Team

      Hi, hindi po sigurado pero hindi po yata pwede.

    2. Rosemarie

      Nag-loload po ako at sa smart retailer ko po. May niloadan npo ako bago ako makauwi tapos gabi na may mapapaload na naman pero ang sim ko po naka lagay ay no sim card pero nakasalpak naman ang sim. Nilipat-lipat ko ganun pa rin. Ano po gagawin ko kasi sayang yung pera na niload ko po?

      1. EkstraTips Team

        Hi, baka wala lang pong signal. Try ‘nyo po i-restart/reboot ang phone. Kung hindi pa rin gumagana, try ‘nyo po sa settings nang phone ‘nyo, pumunta po kayo sa ‘Connections/Network Connections’ > ‘Mobile Networks’ > ‘Network Mode’ > then press ‘nyo po ang ‘Auto Connect’. Kung gusto ‘nyo po na 3G/4G network ang masagap nang phone, click ‘nyo lang ang 3G/4G.

  3. Mel

    Hi, nagre-recover po ako ng new password via auto generated code sa Facebook, kaso matagal ng di ko nagagamit yung old sim ko, kaso dun bumabagsak yung auto generated code ng FB kaya di ko makuha yung code. Pero nung nag-check ako ay may iba ng gumagamit ng sim number ko. Possible po ba na ma-receive nya yung code na pinapadala ng FB para magamit ko at ma-restore o ma-reset ko ang password nung FB account ko.

    1. ET Team

      Hello, paano ‘nyo po nalaman na may iba nang gumagamit nang mobile number ‘nyo? Tulad po nang ibang replies dito, kapag walang load kahit piso ang SIM Card sa loob nang 3-4 months, nakasaksak man sa phone ‘nyo o hindi, made-deactivate po ito at hindi na rin pwede sa SIM Replacement.

      Bukod pa dyan, ang mobile number na associated sa SIM na iyon ay pwedeng mai-recycle at mai-link sa bagong SIM Card na ibebenta ulit kung sakali.

      Subukin ‘nyo po kontakin ang phone number na iyon kung pwede ‘nya kayo tulungan sa account recovery code na iyon at kapag na enter ‘nyo na ang code at may access na kayo sa account ‘nyo, palitan ‘nyo na agad ang phone number sa naka-link sa account na iyon.

      Kung wala po talaga kayong access sa dati ‘nyong mobile number o nagdadalawang isip po kayo, gawa po kayo nang bagong account at i-report ‘nyo po ang dati ‘nyong account as ‘pretending to be me’ o ‘hacked’ para kung ma-verify ay ide-delete nila ang account.

      Make sure din po na may parehong pangalan at ibang basic details sa dati at bagong account ‘nyo. Dapat din po may magkamukhang picture kayo sa parehong account para ma-verify.

    2. Merville

      Na snatch po phone ko,kasama sim card ko.
      Nagpunta na po ako Smart Center may dala naman po ako Affidavit of Loss at Valid ID’s ang wala lang sa requirements ko is ung Simbed which is matagal ng wala po sakin. 4 Yrs ko ng number yun, nakakalungkot lang po kase hindi daw sila makakapg bgay ng replacement sim card sakin dahil hindi daw sapat na katibayan ung dala ko,kelangan ko daw dalhin pa simbed na matagal ng wala na,ilang bagyo ng dumaan maitatabi ko pa po ba yun. Pa help naman po ako na makapag pa replace nung Sim card number ko.

      1. EkstraTips Team

        Hello, pesensya po kung ganun po ang patakaran nila ngayon, wala po kayo magagawa. Wala po kayo choice kundi bumuli na lang nang bagong SIM Card.

        Salamat din po sa pag-share nang experience ‘nyo para malaman ng iba na kailangan ingatan ang SIM Bed/Holder para kung sakali na mawala ang SIM Card, pwede ito gawin na ‘Proof of Ownership’ o katibayan.

  4. Aljun

    Ask ko lang po paano kung wala na yung barrier ng sim yung pinaka sim nalang po nasaakin and ano po yung kelangan ko dalhin sa smart store

    1. EkstraTips Team

      Hi, since nasa inyo po ang SIM Card at wala ang SIM Bed/Holder, pwede po ang valid ID. Siguraduhin ‘nyo lang po na hindi deactivated ang SIM Card dahil kung deactivated na ito, hindi na po ito pwede sa SIM Replacement.

    2. Rutter

      Tanong lang po, nawala na po kasi yung sim card na ginagamit ko sa gcash account ko pano ko po mabubuksan ulit yung gcash ko kung wala ng yung sim card kasi po don nag tetxt yung otp ng gcash.patulong naman po.

      1. EkstraTips Team

        Hello, una po, kontakin ‘nyo po ang customer service nang GCash. Kailangan ‘nyo po nang Proof of Ownership tulad nang GCash Card (kung meron), SIM Card Bed/Holder, at Valid ID para sa SIM Card Replacement at ma-retrive ‘nyo po ang phone number nang SIM Card.

        1. Micaela

          hello po tatanung ko lang po kung pwede pa ba maretrieve yung sim card ko .. naka connect po kc sa gmail ko yun at coins.ph account .. at nasira napo yung phone ko dun po naka log in gmail ko at naka connect din po sa sim card ko na nasira po .. may 4 months napo na sira yung sim card ko pero nasakin pa po yung sim card .. importante po kc yung sim card hindi po ako makapasok sa gmail ko importante po talaga sakin yun kc may deposit po ako sa coins.ph account ko .. ano po pwede ko gawin para mabalik po sakin yung sim card ko sa parehas po na number ..

          1. EkstraTips Team

            Hi, pasensya po sa late reply. Paano pong sira ang ang SIM? Walang masagap na signal or literal na nasira?

            Tulad po nang ibang replies dito, kung walang load po ang SIM Card kahit piso sa loob nang 4 months, made-deactivate po ang SIM at hindi na po ito pwede sa SIM Card Replacement. Kung sa tingin ‘nyo po ay wala pa pong 4 months, pumunta po kayo nearest Globe/Smart Store and try ‘nyo po ipa-check kung hindi pa canceled/deactivited ang SIM.

            Regarding sa mga online accounts ‘nyo, ang options ‘nyo na lang po ay gumawa nang bagong account or subukin ‘nyo po ibang options paano ma-recover ang mga ito. For coins.ph account, try ‘nyo po i-contact ang CS nila,

      2. Ace

        Tanong ko lang, matagal na po kasi wala yung number ko dati pero nong na-dial yung number na yun e nagri-ring sya?

        1. EkstraTips Team

          Hi, gaano po katagal na wala na sa inyo ang SIM? Kung walang load po ang SIM nang 4 months kahit piso, made-deactivate po ito. Pwede rin po na i-recyle ang deactivated number at maibenta ulit.

    3. Aileen

      Sir ask ko lng po Kung ma rerecover pa po Yung sim ko na tnt na matagal ng hindi na loadan need, wala napo syang signal at data hindi narin po ma loadan. Ma rerecover papo Kaya Yun? At Kung saan po pwedeng ipagawa, nandito parin po Yung sim. Pero yung sim holder niya wala napo.

      1. EkstraTips Team

        Hi, kung wala pong load kahit piso ang SIM Card sa loob nang 3-4 months, made-deactivate po ito at kapag po deactivated na ang SIM Card kahit nasa inyo pa, hindi na po ito pwede sa SIM Replacement. Wala po kayong choice kundi bumili na lang po nang bago.

        1. Anonymous

          Sa luma ko pong TnT Sim Card, yun po ang gamit na number para sa FB account ko. Ayaw na pong gumana o ala ng data ang sim at ala ng signal. Dina ‘ko na marecover ang FB account ko dahil yun lamang ang ginagamit kong number. Pde ko po bang ma retrieve o maactivate uli ang dati kong number? Tnx!

          1. ET Team

            Hi, gaano po tagal na hindi ‘nyo na ginagamit at gaano rin po katagal na wala itong load na kahit piso? Kung wala po itong load kahit piso sa loob nang 3-4 months, ma-de-deactivate po ito, at kung deactivated na ito ay hindi na po pwede ma-retrieve ang dati ‘nyong number.

            Pwede po ma-recycle ang number sa dati ‘nyong SIM at pwede ito ma-assigned sa bagong SIM at ma-benta ulit sa iba.

    4. Christian

      Paano ibalik yun loose golden patch ng simcard. Posible pa ba idikit? Paano?

      1. EkstraTips Team

        Hi, not sure kung paano. Try ‘nyo po magtanong at magpatulong sa Store nang cellular network provider ‘nyo; kahit sa security guard nila kayo magtanong pwede nila kayong i-assess.

  5. Andrew

    Hi, tanung ko lang po kung pwd b s Globe center ung Cherry Sim?!, nasira kz ung sim 5 days ago pa Salamat.

    1. EkstraTips Team

      Hi, not sure, tanong ‘nyo sa lang po sa Cherry Mobile outlet/kiosk kung pwede.

    2. Anonymous

      Tanong lang po kung my kapareha po ba ang mga sin number

      1. EkstraTips Team

        Hi, wala pong kapareho pero kapag deactivated na ang SIM at matagal na, pwede nila i-recycle ang mobile number mo.

        1. Ciramie

          Mga gaano nmn po katagal ang time frame para ma deactivate ang simcard na di na nagagamit.

          1. EkstraTips Team

            Hi, kung nabasa ‘nyo po iabng replies dito, kapag po walang load na kahit piso ang SIM Card ‘nyo sa loob nang 3-4 months, made-deactivate na po ito hindi na po ito pwede sa SIM Card Replacement.

            Pwede pong ma-recycle ang phone number at maibenta sa iba.

  6. Rose ann

    Bigla nalang nasira yung sim card ko. Magkano replacement fee sa smart? at ipapaasikaso ko sya sa jowa ko pwede naba id ko at authorization letter?

    1. EkstraTips Team

      Hi, sorry for very late reply. Libre po ang SIM Replacement para sa Smart Prepaid/TNT at dapat po kayo mismo ang pumunta.

      1. Marilou

        Libre po ang replacement ng sim card? Saan po kaya meron malapit dito sa villamor, pasay city?

        1. ET Team

          Hi, libre po ang sim replacement. Dapat dala ‘nyo po ang sapat na requirements para rito; depende kung nasa inyo pa ang sira o lumang SIM (basta hindi deactivated) na papalitan ‘nyo o kung nawala/nanakaw ang SIM na gusto ‘nyo ma-recover at ma-retain ang dati ‘nyong mobile number. Dapat meron po kayong Proof of Ownership para mapapalitan tulad nang SIM Bed/Holder, Valid ID at SIM Card kung nasa inyo pa.

  7. Kaycee

    Kapag naayos na po yung sim mong nawala, napalitan na ng bago na gamit ay ang dati mong number, makikita pa rin po ba yung contacts and messages dati na naka-save sa nawalang sim?

    1. EkstraTips Team

      Hi, for sure wala pong copies nang contacts o messages. Pa-resend ‘nyo na lang ang text message o isa-isa ‘nyo po hingin ang contact number nang kakilala ‘nyo kung sakali.

  8. Juvie

    Paano po yun deactivate na po yung sim card. Mapapalitan po yung number sa sap form

    1. EkstraTips Team

      Hi, kapag po deactivated na ang SIM Card, hindi na po pwede ang SIM Replacement para ma-retrieve o ma-reacquire ang mobile phone number. Tungkol naman po sa SAP, tanong ‘nyo na lang po Brgy. officials/staffs kung pwede i-update at papalitan ang nalistang phone number.

      1. Dine

        Hello. Pano po kung yung load is valid for several months pero di po ako nakakapag-text or tumatawag? Made-deactivate pa rin po ba yun?

        1. EkstraTips Team

          Hi, hindi naman po siya made-deactivate. Basta po parating may regular load kahit piso at kahit hindi ka nakakapag-text or tumatawag gamit ang SIM (basta may regular load kahit piso).

          1. Louisa

            Hi po. Ngayon ko lang nalaman na pwede pala yung ganito. Yung facebook account kopo kase ang nakalagay po don yung dati kong number ‘pag po ba nag nagpagawa ako ng bagong sim pero yung dati ko paring cellphone number ang naka attached mare-revive pa po ba yung account ko?

            1. EkstraTips Team

              Hi, basta naintindihan ‘nyo po nang maayos at nasa inyo po ang tamang requirements, pwedeng-pwede po.

          2. Tochi

            Hi po, binigyan ko ksi ng celfon yung asawa ko ang problema yung simcard e nka-nano na tpos yung simcard ng wife ko matagal nya nang gamit n number. Pag pinutol ksi mapuputol na yung mismong chip ng simcard.
            Pwede bang mag papalit ng simcard sa smart khit ok nman yung sim? Para maging nano sim lang?
            Salamat

            1. EkstraTips Team

              Hello, pwede naman po ang SIM Replacement para dyan pero not sure kung kailangan pa nang Valid ID; magdala na lang po kayo para sigurado. Meron din naman pong ‘Self-Service SIM Upgrade‘ na libre, check ‘nyo po ang link.

        2. Jhoseph

          Andito pa rin po yung sim card kaso nagkakalawang po kaya ala na pong signal

          1. ET Team

            Check ‘nyo po ibang replies dito. Kapag walang load sa loob nang 90-120 days (3-4 months), siguradong deactivated na ang SIM at hindi na pwede ang SIM Replacement.

            1. Anonymous

              Hello po, tanong ko po paano po maibalik ang signal ng globe kasi kakabili lang ng new sim sa tindahan.

            2. EkstraTips Team

              Hi, since bago po ang SIM niyo, subukin niyo po i-off at on ang Airplane Mode nang phone ‘nyo o ‘di kaya ay restart o reboot ito. Subukin ‘nyo po lumabas sa open area nang inyong bahay.

  9. Vincent

    Paano po kung me id naman po tapos po meron na rin affidavit of loss,, meron din id na patunay sakanya yung sim. Tulad ng print ng pagibig, toda id, pero dmo naka link s paymaya at wala na rin pong simbed,,

    1. ET Team

      Hi, dalhin ‘nyo po yang Valid ID at Affidavit of Loss para sa SIM Replacement kahit wala ang SIM Bed pero expect ‘nyo po marami silang pwedeng itanong sa inyo at basta siguraduhin ‘nyo po na hindi rin deactivated ang SIM Card na nawala.

      Medyo strikto po sila ngayon lalo na kung wala yung SIM Bed/Holder bilang Proof Of Ownership.

      1. Shirly

        Hi Sir/Ma’am, Morning po. Paano po kong hindi na po nare-read nanq cp ko yung sim card ko pero po pag-i-insert ko yung globe ko po gumagana naman. Dun po kase nakalista yung number ko sa ayuda kaya need ko po mapa-recover yung sim ko po. Paano po kaya kong wala na rin po yung housing po nang sim card ko? Salamat po, sana masagot po tanong ko.

        1. EkstraTips Team

          Hi, ano po ba yang SIM Card na hindi nare-read at paano po na hindi nababasa? Wala po bang signal na nasasagap kahit isa o dalawang signal bar? O bigla na lang nasira kahit gigamit ‘nyo pa at meron naman regular load o naka-register pa kayo sa isang promo?

          Kung wala pong signal reception na nasasagap, posible po na disconnected o deactivated na ang SIM Card/Mobile Number ‘nyo sa network. Made-deactivate o madi-disconnect ang SIM Card ‘nyo kung walang regular load kahit piso ang SIM ‘nyo sa loob nang 60-120 days (2-4 months). Kapag po deactivated/disconnected na ito ay hindi na po pwede ang Sim Replacement (ma-recover o ma-reacquire ang phone number nito sa bagong SIM card).

          Kapag naman po ginagamit ‘nyo po ito at bigla-bigla na lang nasira, pwede po kayo magpa-SIM Replacement. Dito po, medyo istrikto po sila lalo na po kung wala yung SIM Bed/Holder na tinatawag ‘nyong ‘housing’ bilang Proof Of Ownership. Itanong ‘nyo na lang po kung pwede kahit wala ang SIM Bed basta nasa inyo ang mismong SIM Card at Valid ID.

          Siguraduhin ‘nyo rin po na hindi deactivated ang SIM Card ‘nyo kung sakali dahil malalaman nila na disconnected/deactivated na ito at hindi rin mapapalitan nang bagong SIM Card na may parehong phone number.

          Itanung ‘nyo rin sa official/staff na nagmamahala sa ayuda kung pwede i-update at mapalitan ang mobile phone number na nakalista.

          Sa susunod na bibili po kayo nang SIM Card, huwag na huwag ‘nyo po itatapon ang buond SIM Pack lalo na ang SIM Bed/Holder dahil kakailanganin ‘nyo po ito kung sakali.

      2. Anonymous

        Hello Po. Paano po gagawin kasi nasend na sa number yung sa ayuda po may nag text na kaso nag expired yung sim at wala pa sya account sa gcash. hindi po nila Maclaim sa Villarica. Kasi daw kelangan tawagan muna number para may record sila. ang kaso nga po nag ayaw na nung sim. Isang buwan lng hindi naloadan. Maililipat po ba yun sa ibang number tas connected na sa may gcash account .

        1. EkstraTips Team

          Hi, sorry for the late reply. Deactivated na po ang SIM Card kung wala talaga itong masagap na signal, hindi makapag-text o makatawag, at walang itong regular load na kahit piso sa loob nang 60-120 days. Kung deactivated na ito, hindi na po ito pwede sa SIM Replacement.

          Tanong ‘nyo po sa guard o staff nang Globe Store kung pwede sa SIM Replacement lalo na ngayon na emergency/kailangan basta ma-provide ‘nyo po ang requirements pero bago po kayo pumunta, tanong ‘nyo po muna na sa baranggay officials/staffs kung paano/ano ang gagawin kung pwede bang i-update ang phone number na associated/linked sa ayuda ‘nyo at baka maayos.

      3. Russel

        Hello po paanu po kng ung simcard po wla ng signal.pero d2 pa po ung sim saakin,pwede kupa po bang ipa activate kc po eto po ung naka register sa sss kupo ehh.nkalimutan kupo kc ung password sa.dkupo mareset kc po wla npong signal ang simcard kupo.pki sagot po salamat

        1. EkstraTips Team

          Hi, baka po deactivated na ang SIM Card ‘nyo. Deactivated na po ito kung wala itong load kahit piso lang sa loob nang 3-4 months. Kapag po deactivated po SIM, hindi na po ito pwede sa SIM Replacement.

          Pero kung hindi po ito deactivated at talagang may sira lang SIM, dapat po nasa inyo requirements para SIM Replacement. Check ‘nyo at basahin ang ibang replies dito.

          Next time, para naman po sa login details ‘nyo tulad nang username, email, at passwords, isulad ‘nyo po ito sa papel/notes na kayo lang ang may access at nakakaalam.

    2. Nhet

      Hello po. Tanong ko lang pa’no po kapag yung sim card ko na nakaregistered sa Gcash ay bigla pong na PUK. Ano po dapat gawin. Maaari ko bo ba ipa-replace ang sim kahit PUK na po. Naloadan ko pa naman before na PUK. Salamat po.

      1. EkstraTips Team

        Hi, baka po na-block ang SIM Card ‘nyo dahil in-activate ‘nyo ang PIN at ilang beses na mali ang in-enter ‘nyong PIN Code. Para po ma-unblock ito, kailangan ‘nyo po ang PUK Codes.

        Ang PUK Codes po ay naka-print sa SIM Bed/Holder; kailangan ‘nyo po i-scratch yung sa ‘PUK’ na parte para makita ng PUK security numbers.

        I-contact ‘nyo rin po ang Customer Support ng mismong Globe o nang GCash para magtanong.

  10. Rica

    Hello po, nawala po yung sim card ng asawa ko nung june 13 lang po. Hindi na po makita; may importante lang pong message ang iniintay namin. Paano ko po kaya gagawin ko?

    1. ET Team

      Hi, kailangan ‘nyo po magpagawa ng Affidavit of Loss sa isang attorney nang nawala niyong SIM Card (medyo mura lang ito, baka sa ngayon nasa less than 1000 o 500 pesos). Ilagay ‘nyo rin po sa Affidavit of Loss ang SIM number na nawala, kung anong telecom o mobile network, at ito ay para sa SIM Replacement.

      Bukod dyan, kailangan ‘nyo rin po nang valid ID. Kung nasa sa pa rin po ang SIM Card Holder/Bed, dalhin ‘nyo na rin pero kung wala, yung Affidavit of Loss at valid ID ang dalhin ‘nyo sa malapit na Smart (at TNT), Globe (at TM) o Sun Cellular store para SIM Replacement.

      1. Arturo

        Sir/Ma’am, nawala yung sim ko, kailagan ko yun. Ano gagawin ko? Mayron po ako inaantay na text. Ano gagawin ko kasama yung cp ko sa nawalang sim card. Paano mai-iblock yun number ko?

        1. EkstraTips Team

          Hi, Hi, kung nabasa ‘nyo po sa ibang replies dito, ganito po: Kung nawala o nanakaw po ang SIM card ‘nyo (kasama o hindi kasama ang cellphone), punta po kayo sa malapit na Globe/Smart/Sun Store para po magpa-SIM Replacement pero kailangan ‘nyo rin po magdala nang requirements tulad nang “Affidavit Of Loss,” kahit isang valid ID, at kung nasa sa inyo pa ang SIM Bed/Holder, dalhin ‘nyo na rin po as proof of ownership sa Prepaid o Postpaid SIM na mare-retrieve.

          SIM REPLACEMENT REQUIREMENTS: Affidavit Of Loss (for lost/stolen SIM Card), valid ID, and SIM Bed/Holder (bring if still have it)

          Para po makakuha nang “Affidavit of Loss,” kailangan ‘nyo po pumunta sa isang attorney para magpagawa nito. Less than 500 o 1000 pesos ang fee sa pagpapagawa nito, depende sa Attorney. Kung TM SIM ang nawala, sa Globe Store pa rin po kayo pumunta. Kung TNT SIM ang nawala, sa Smart Store po kayo pumunta. Kung Sun Cellular SIM, may sarili ata silang Store pero kung wala sa inyo, sa Smart Store po kayo magtanong kung pwede.

          P.S. Sa unang comment po kayo mag-reply para o sa “Leave a Reply” section po kayo mag-post ng comment para ito ang unag comment na mag-appear at huwag sa huling comment kayo magreply.

          1. Analiza

            Hi po tnong kulng po pno kng ang sim card ko mismo cra dnamkatangap ng tex o tawag d rn maka sends ng tex pwdi p b ito sbi kc skni activit p sim ko sa sistym ng smart kaso d gnawa dhil d tangap bata id ko

            1. EkstraTips Team

              Hello, check ‘nyo po ibang replies dito. Kung deactivated na po ang SIM, hindi na po pwede ang SIM Replacement. Required po na valid at latest ang ID.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *