Paano magpasa o mag-share ng promo sa Globe at TM

Gamit ang Share-A-Promo na feature ng Globe, maari ka rin mag-share ng promo sa Globe at TM mobile numbers para sa unlimited o unli call, text at internet promos hindi lang regular load. Maarin ka rin mag-share ng mga Globe internet promos sa number ng Globe pocket wifi at ttattoo broadband USB stick.

Magpasa o mag-share ng promo sa Globe at TM

Pwede ka nang mag-share ng mga Globe at TM promos sa iyong mga kaibigin, kapatid, magulang o mga kakilala na nangangailangan ng call, text o mobile data para sa mobile internet connection.

 

Paano magpasa o mag-share ng promo sa Globe at TM?

Tulad din sa Share-A-Load ng Globe, maari kang magpasa o mag-share ng promo sa Globe at TM pati na rin sa Tattoo number gamit ang pag-text at pag-dial ng *143# na USSD code ng Globe sa iyong cell phone. May charge na piso (PhP 1.00) ang kada transaksyon sa pagpasa ng promo sa Globe at TM.

Ito lang ang Globe promos para sa call, text at internet na maari mong ipasa. Ang mga naka-bold na letra at numero ang mismong promo keywords na dapat mong i-send kung nais mong magpasa ng Globe o TM load gamit ang pag-text. Makikita din ang mga Share-A-Promo options na ito kung magda-dial ka ng *143#.

 

Internet promos

GOSURF10 – 40 MB Mobile data (1 day)
GOSURF15 – 40 MB + 30 MB for Mobile legends app (2 days)
GOSURF30 – 150 MB + 50 MB for chosen freebie (2 days)
GOSURF50 – 1 GB (1000 MB) + 300 MB for any app + Unli all net texts (3 days)
GOSURF299 – 1.5 GB (1500 MB) + 1 GB for any app (30 days / 1 month)
GOSURF599 – 4 GB (4000 MB) + 1 GB for any app (30 days / 1 month)
GOSURF999 – 8 GB (8000 MB) + 1 GB for any app (30 days / 1 month)
SUPERSURF50 – Surf all you want for 1 day
GOWATCH99 – 2.5 GB / 6 hrs. video streaming (3 days)

 

Call and text promos

GOUNLI25 – Unli all net textx + Unlimited calls to Globe/TM (1 day)
GOUNLI95 – Unli all net textx + Unlimited calls to Globe/TM + 100 MB Mobile data (7 days / 1 week)
SULITXT5 – (TM Only)

*Kung nais mong subukan ang ibang Globe at TM promos na UNLITXT at ASTIGTXT tulad ng UNLITXT20 na alam mo na gumagana pa dahil hindi mo gusto ang ilan sa mga promos sa itaas, ipaalam po sa amin kung ang Share-A-Load promos ang gumana o hindi. Maaring mag-comment lang po sa ibaba kung anong mga promos iyon.

 

Paano mag-share ng promo sa Globe at TM gamit ang pag-text?

Ito ang mga hakbang na dapt mong sundin kung paano mag-share ng promo sa Globe at TM gamit ang pag-text sa iyong cell phone. Ang prosesong ito ay halos magkapareho din sa Globe Share-A-Load.

Sundin lamang ang mga hakbang sa ibaba kung paano mag-share ng promo sa Globe at TM.

Step 1. Bumuo ng message at i-type ang promo keyword. (Hal. GoSurf10)

Step 2. Ngayon, i-send ang text message na iyan sa mobile number ng taong nais mong maipasa ang load amount. Pero bago mo i-press ang send button, kailangan mo munang edit at palitan ng no. 2 ang unang number na 0 sa 11-digit number ng recipient.

Halimbawa, ang number na nakalagay sa recipient ay 09161234567, ngayon i-edit mo ang number na ‘yan at palitan mo ang 0 ng 2. Kaya dapat 29161234567 ang number ng recipient saka mo i-press ang ‘send button’.

Step 3. Hintayin ang ‘validation message’ sa iyong inbox mula sa number na 2652XXXXXXXXX. Basahin ang nilalaman nito at kung nais mong magpatuloy sa pag-share o pag-pasa ng Globe o TM load, mag-reply ng YES. Dapat gawin mo ito sa loob ng 5 minuto kung hindi makakatanggap ka ng mensahe na makakansela ang iyong transaksyon sa pagpasa ng load sa Globe o TM.

 

Paano mag-share ng promo sa Globe at TM sa pag-dial ng *143# sa iyong cell phone?

Step 1. I-dial ang *143# sa iyong cell phone. Kung dual sim ang iyong cell phone piliin kung saang sim slot (sim1 ba o sim2) ang Globe na panggagalingan ng load na nais mong ipasa. Hintayin ang mga Globe services na maari mong pagpilian.

Step 2. Piliin ang number ng ‘My Account’ na 2, i-type ito sa blankong patlang sa ibaba at saka pindutin ang ‘send’ button.

Step 3. Piliin ang numero ng ‘Share-A-Load/Promo/MB’ na 3 at i-type sa blankong patlang sa ibaba saka mo pindutin ang ‘Send’ button.

Step 4. Piliin ang number 3 kung hindi ka pa nag-activate ng PIN pero kung nag-activate ka ng PIN password, number 4 ang dapat mong piliin. I-type ulit ang numero sa blankong patlang sa ibaba.

Magpasa o mag-share ng promo sa Globe at TM

 

Step 5. Piliin ang number kung Globe prepaid, TM ba o Globe tattoo number ipapasa ang promo. I-type ulit ang numero sa patlang.

Magpasa o mag-share ng promo sa Globe at TM

Step 6. Pumili ng Globe promo na maaari mong ipasa. Para ulit sa kompletong desripsyon ng mga promos na ito, basahin sa itaas.

Magpasa o mag-share ng promo sa Globe at TM

 

Piliin ang number 11 para sa promo ng GOSURF 10 at GOSURF30.

Ito ang mga paraan kung paano magpasa o mag-share ng promo sa Globe at TM. Kung may tanong ka pa, mag-comment lang sa ibaba.

Leave a Reply

Your email address will not be published.