Alamin kung paano mag-share, mag-transfer o magpasa ng points mula sa iyong Globe rewards sa ibang Globe Prepaid/Postpaid at TM subscribers.

May tatlong paraan sa pag-share, pagpasa o pag-transfer ng Globe reward points sa ibang Globe/TM mobile number.
Una, gamit ang text messaging, at pangalawa, gamit ang mobile app na ‘Globe Rewards’ mobile app.
Pangatlo, maaari ka rin mag-log on sa online Globe account pero bago ka makapag-log in, kailangan mong mag-register o mag-sign up sa website ng Globe rewards gamit ang iyong Globe mobile number.
Share Globe Reward Points
Sa ngayon, ang ituturo sa ‘yo ay kung paano mag-share ng Globe reward points ng gamit ang text messaging.
Gamit ang text messaging sa pag-share ng Globe reward points ay mas madali at mabilis sundin basta memoryado mo ang mga syntax code, mobile number ng receiver, at Globe access number kung saan mo ise-send.
Hindi mo pa kailangan mag-download ng mobile app ng Globe o mag-register ng Globe account online lalo na kung prepaid user ka.
Paano mag-share/transfer ng Globe reward points?
Bago alamin kung paano, pag-aralin mo muna ang mga mechanics:
• Piso (₱1) bawat successful transaction ang maibabawas sa mobile number (account) ng sender.
• Mula 1 point ang minimum na maaring i-share na Globe rewards point.
• Hanggang 5 beses na transaction lang kada araw na pwedeng mag-share ng points mula sa iyong Globe rewards account.
Without Activated PIN
Kung hindi ka pa nag-activate ng PIN password sa iyong mobile number para mag-share o mag-transfer ng Globe reward points, sundin ang mga hakbang na ito:
STEP 1. Text SHARE <space> 11-digit number ng receiver <space> no. of points
STEP 2. I-send ang code syntax, halimbawa: SHARE 09212165373 25 – sa 4438.
STEP 3. Hintayin ang confirmation text message. ₱1 ang bawas sa load balance mo sa bawat successful transaction.
With Activated PIN
Para naman sa mga nag-activate ng PIN password para ma-secure ang kanilang mga mobile number transactions, ito ang paraan kung paano mag-share ng Globe reward points.
STEP 1. Text SHARE <space> 11-digit number ng receiver <space> no. of points <space> PIN
STEP 2. I-send ang keywords, halimbawa: SHARE 09212165373 25 3131 – sa 4438.
STEP 3. Hintayin ang confirmation text message. Mababawasan ng ₱1 ang account mo kada successful transaction.
Ano ang ‘no. of points’?
Ang ‘no. of points’ ay kung ilang points ang iyong ipapasa mula sa reward points balance ng iyong mobile number na naipon mo. Kung may naipon kang 50 points at gusto mong ipasa ang 25, 25 ang ilagay mo sa posisyon ng ‘no. of points’.
How to check Globe reward points balance?
Text BAL to 4438 and wait for text message.
How to check available promos you can redeem using your Globe reward points?
Send REDEEM to 4438; wait for text message.
REMINDERS:
Kung sakaling sinubukan mo na mag-share ng Globe rewards via text pero hindi gumana at ito ang text message na natanggap mo:
“We’re sorry but your request cannot be processed at this time. We’ll update you once the service becomes available. Thank you.”
Maghintay lang po ng ilang minuto o oras saka ‘nyo subukin ulit. Maaring may on going maintenance sa inyong lugar o sa mismong sa network system ng Globe.
Para sa ibang paraan ng mga pagpasa o pag-share ng naipon mong reward points, i-download ang Globe Rewards app (for android) at MyRewards MyGlobe app (for ios), i-configure ang app.
Maaari ka rin mag-redeem at mag-send ng Gift rewards sa ibang mobile number na Globe user din.
O pwede ka rin mag-register ng online account sa website ng Globe na globe.com.ph . Gamit ang online account na ito ng Globe, madali at mabilis din ang pag-manage sa iyong Globe rewards.
Pwede ka rin mag-share, mag-redeem ng Globe reward points at mag-send ng Gift rewards sa ibang Globe mobile number.
Ito ang isang paraan kung paano mag-share ng points sa iyong Globe rewards sa ibang Globe/TM mobile number gamit ang pag-text.
Kung may katanungan, maari po kayong mag-message sa official ‘Globe Telecom’ facebook page, ‘@talk2Globe’ twitter page o mag-comment lang po sa ibaba.
Pwede ‘nyo rin po sila tawagan sa 211 sa mobile phone ‘nyo gamit ang Globe SIM – toll free.
Leave a Reply