Paano mag-transfer o mag-share ng points mula sa Globe rewards?

Alamin kung paano mag-share o mag-transfer / magpasa ng points mula sa iyong Globe rewards sa ibang Globe/TM prepaid, postpaid mobile numbers at TM subscribers.

Transfer/Share Globe rewards points
Share Globe reward points

Ang pag-share o pag-transfer / pagpasa ng Globe reward points mula sa iyong mobile number account sa ibang mobile number ay may tatlong paraan. Maari ka nang mag-share ng reward points mula sa Globe, una, gamit ang text messaging at pangalawa, gamit ang mobile app na Globe Rewards.

At ang pangatlo, maaari ka rin mag-log in sa online Globe account pero bago ka makapag-log in, kailangan mong mag-register o mag-sign up sa website ng Globe rewards gamit ang iyong Globe mobile number para makagawa ka ng online account sa kanila.

 

Transfer/Share Globe Reward Points

Sa ngayon, ang ituturo sa ‘yo ay kung paano mag-share ng Globe reward points ng gamit ang text messaging.

Gamit ang text messaging sa pag-share ng Globe reward points ay mas madali at mabilis sundin basta memoryado mo ang mga keyword, mobile number na iyong pagpapasahan at ang Globe access number kung saan mo i-se-send ang keywords.

Hindi mo pa kailangan mag-download ng mobile app ng Globe o mag-register ng Globe account online lalo na kung prepaid user ka.

Ang ‘Points Sharing‘ ng Globe rewards ay pinahihintulutan ang mga prepaid, postpaid at TM users nito na mag-share o mag-trasfer ng points balance sa ibang Globe mobile number/s ng mga kaibigan o kapamilya.

Maaari ninyong pagsamahin ang mga Globe reward points ninyong magkakaibigan o magkaka-pamilya para ito’y maipon at pwedeng ipagpalit sa mga rewards o promos na may mas mataas na halaga tulad ng bill rebates atbp.

Ang tawag sa sestimang ito ay ‘Globe pool together points‘ o ‘pooling points‘ at kung nais ninyong gumagit nito at magtanong tungkol dito, bumisita lang sa pinakamalapit na Globe store o tumawag lang sa kanilang hotline na 211 o 02 730 1000. Kung Globe prepaid ka, mula 8 AM hanggang 10 PM ka pwedeng tumawag pero kung postpaid subscriber ka, 24/7 pwede kang tumawag kahit madaling araw.

 

Paano mag-transfer o mag-share ng Globe reward points?

PAALALA: Mula 1 point ang minimum na maari mong i-share at hanggang 5 beses na transaction lang kada araw na pwedeng mag-share ng points mula sa iyong Globe rewards. At piso bawat transaction ang maibabawas sa mobile number ng sender.

 

Itong mga hakbang na dapat mong sundin kung hindi ka pa nag-activated ng PIN password para sa iyong mobile number para mag-share o mag-transfer ng Globe reward points.

1. I-text ang SHARE <space> 10-digit number ng receiver <space> no. of points

2. I-send ang keywords, halimbawa SHARE 9212165373 25 sa 4438.

3. Hintayin ang confirmation message sa iyong inbox na success ang pag-share mo ng Globe reward points sa mobile number na nais mong maipasa ang mga ito.

 

Ito naman ang para sa mga Globe subscriber na nag-activate ng PIN password para ma-secure ang kanilang mga mobile number transactions, ito ang paraan kung paano mag-share o mag-transfer ng Globe reward points.

1. I-text SHARE <space> 11-digit number ng receiver <space> no. of points <space> PIN

2. I-send ang keywords, halimbawa SHARE 09212165373 25 3131 sa 4438.

3. Hintayin ang confirmation message sa iyong inbox na success ang pag-share mo ng Globe rewards points sa mobile number na nais mong maipasa ang reward points mo.

Ano ang ‘no. of points’?

Ang ‘no. of points’ ay kung ilang points ang iyong ipapasa mula sa reward points balance ng iyong mobile number na naipon mo. Kung may naipon kang 50 points at gusto mong ipasa ang 25, 25 ang ilagay mo sa posisyon ng ‘no. of points’.

How to check Globe reward points balance?
Text BAL send to 4438 then wait for text message from 4438.

How to check available promos you can redeem using your Globe reward points?
Text REDEEM send 4438 then wait for text message from 4438.

 

Globe Rewards reminders

Kung sakaling sinubukan mo na mag-share ng Globe rewards gamit ang pag-text pero hindi gumana at ito ang text message na natanggap mo:

“We’re sorry but your request cannot be processed at this time. We’ll update you once the service becomes available. Thank you.”

Maghintay lang po ng ilang oras o araw bago subukin ulit. Maaring may on going maintenance sa inyong lugar o sa mismong sa network system ng Globe.

Gayunpaman, kung sa tingin mo ay nauubos na ang oras at nais mong ipasa o i-share ang iyong mga Globe reward points na naipon mo sa haba ng panahon, maari mong i-download ang Globe Rewards app (for android) at MyRewards MyGlobe app (for ios), i-configure ang app at maaari ka nang mag-redeem at mag-send ng Gift rewards sa ibang mobile number na Globe user din.

Maari ka rin mag-register ng Globe account sa website ng Globe. Gamit ang online account na ito ng Globe, madali at mabilis din ang pag-manage sa iyong Globe rewards. Sa dalawa o tatlong clicks lang, ma-pro-process na ang mga nais mo sa iyong Globe reward points. Pwede ka rin mag-share, mag-redeem ng Globe reward points at mag-send ng Gift rewards sa ibang Globe mobile number.

Ito ang isang paraan kung paano mag-share ng points sa iyong Globe rewards sa ibang mobile number gamit ang pag-text.

Kung may suhestiyon o tanong ka pa, mag-comment lang po sa ibaba.

18 thoughts on “Paano mag-transfer o mag-share ng points mula sa Globe rewards?

  1. Paano po kumuha ng registration number kagaya po noong nasa registration example… Ganito po ‘yung nasa labas: ‘Sorry hindi pa pwede ma process ang request mo dahil ito sa invalid keyword’. ‘Yun po yung nasa text saken.

    1. Hello, mali po ‘yung keyword/code na sinend ‘nyo po. Instead of 11-digit mobile number, dapat 10-digit lang kaya alisin ‘nyo po ‘yung unang 0 sa cell number para maging 10-digit.

      May mga kaso rin po kasi na hindi available ang Points Sharing dahil sa system maintenance and upgrade. Subukin ‘nyo na lang po ulit.

    1. Hello, ano po ang sabi sa text message na-receive ‘nyo (kung meron po) nang subukin ‘nyo po na mag-share ng points? Nag-activate po ba kayo o hindi ng PIN sa SIM?

  2. Hello po, try ko i-share ang points from tm to tm pero ang sinasabi po lagi hindi pa po pwedeng ma-process ang request maaring dahil mali ang iyong message at tama rin po ang request text ko SHARE 9********* 0 at sinent ko po sa 4438.

    1. Hello po! Ang gawin ‘nyo po lagyan ng 0 sa una ng 10-digit mobile number na nilagay mo para po maging 11-digit number.

    1. I-text ‘nyo lang po ang SHARE (space) 11-digit number ng receiver (space) no. of points at i-send sa 4438. Example: SHARE 099212165373 25

  3. hello po ging try ko i share ang points from tm to globe pero ang sinsabi po lagi hindi pa po pwedeng maprocess ang request maaring dahil mali ang iyong message at tama rin po ang request text ko SHARE 9********* 4 at sinent ko po sa 4438

    1. Hello! Tama nga po ang syntax/codes. Ganito po gawin n’yo – text YES to 4438… Ngayon, subukin n’yo po ulit. Hanggang 5 beses na transaction ng points sharing lang po kada araw.

        1. Hindi sigurado po kung pwede ang TM to Globe kapag point sharing. Subukin ‘nyo po sa pag-dial ng *143# sa cell phone ‘nyo tapos i-navigate ‘nyo na lang po…

          Kung thru text naman, pareho lang po silang pattern ng keyword na ise-send sa 4438. SHARE (space) 11-digit number ng receiver (space) no. of points — Example: SHARE 099212165373 25

Leave a Reply

Your email address will not be published.