Paano mag-budget ng sahod – maliit man o malaki

Hangang ngayon, marami sa mga Pilipino pa rin ang hindi alam kung paano mag-budget ng sahod o kita nila. Lalo pa na karamihan sa mga Pilipino ay umaasa sa buwanang sahod at pang-araw-araw na kita dahil sa wala silang ibang ‘part-time job’ na maaring mapagkunan ng ekstrang pera. Minsan pa nga ang ilan sa mga Pilipino ay walang maayos na trabaho.

Paano mag-budget ng sahod o kita

Bakit ba maraming tao ang hindi alam kung paano mag-budget ng sahod o kita? Maraming tao kasi ang pinaghahambing ang pag-budget ng pera sa pag-diet o pagdiyeta kung saan limitado ang pagkain ng mga prutas, gulay itbp na masusustansiya pero mahal ang presyo para pumayat at gumanda ang hugis ng katawan. Kaya naman, ang pag-budget ay dapat ihalintulad sa pag-diet.

Sa pag-budget ng pera mula sa iyong buwanang sahod o kita, dapat hindi ganun ang istilo ng pananaw at pag-iisip. Malaki man o maliit ang iyong suweldo o sahod, may tamang paraan ng pag-budget nito.

 

Ano ang pagbadyet / pag-budget?

Ang pagbadyet o pag-budget ng sahod o pera ay ang wais at mahusay na paggastos ng pera mula sa sahod o kita. Sa pag-budget ng sahod, makikita rito kung magkano ang bawat halaga ng mga gastusin mo o ng iyong buong pamilya para sa pagkain, tubig, kuryente, renta at iba pa.

Sa pag-budget ng pera, isusulat at kukwentahin ang mga pinagkagastusan mo sa isang araw, linggo o isang buwan at nang malaman mo kung saan nagagastos o napupunta ang mas malaking halaga o parte ng iyong sahod o kita. Kapag alam mo na kung saang bagay o gastusin napupunta ang iyong pera ay doon mo kontrolin at balansehin ang pasgastos ng pera hanggat maari.

 

Paano mag-budget ng sahod o kita?

Bago mo simulang ang pagbadyet o pag-budget sa iyong sahod o kita, mahalagang dapat isipin at alamin ang lahat ng impromasyon at detalye ng mga bagay-bagay na pinagkakagastusan mo ng pera sa isang araw, linggo o isang buwan. Nang sa ganun maging matagumpay ang iyong pag-budget at malaman mo kung saan napupunta ang iyong pera.

1. Financial statements

Kolektahin ang lahat ng mga receipts o resibo mula sa grocery o mga listahan na ginamit mo pamamalengke, paper bills ng kuryente at tubig, bank statements at lahat-lahat ng mga bagay at impormasyon kung saan nagmumula ang iyong pera at saan nagagastos ito. Ang susi sa proseso ng pag-budget ng sahod o kita ay ang pagbuo ng buwanang gastos at kita.

2. Sources of income

Isulat lahat ang pinanggagalingan ng iyong pera lalo na kung may mga ‘part-time job’ ka o di kaya ikaw ay isang ‘self-employed’. Pagsamahin ang lahat ng mga perang nakukuha mo sa loob lang ng isang buwan.

3. Monthly expenses list

Ilista lahat ang mga bagay o serbisyong pinagkakagastusan mo at kung magkano ang gagastusin mo rito para sa loob ng isang buwan. Mga gastusin tulad ng pagkain (grocery at palengke), tubig, kuryente, renta, transportasyon, cell phone load, internet bills, aliwan o ‘entertainment’ atbp.

4. Fix and variable expenses

Mula sa iyong listahan ng mga expenses mo sa isang buwan, piliin at ihiwalay ang fix at variable expenses dahil mahalaga ito sa pagbalanse ng iyong gastusin. Ang fix variables ay mga bagay na hindi nagbabago ang halaga bawat buwan tulad ng renta, tubig, kuryente, cable o internet service atbp.

Habang ang variable expenses naman ay mga bagay na maaring magbago tulad ng gastusin sa grocery at palengke, pagkain sa labas ng bahay (kalenderya, fast-food restaurants atbp), lahat ng uri ng aliwan o entertainment na ginawa atbp.

5. Monthly income vs expenses

Kwentahin at pagsamahin lahat ang halaga ng iyong gagastusin sa isang buwan at ibawas ito sa kabuoang sahod o kita mo sa isang buwan. Kapag ibinawas mo na ang monthly expenses sa iyong monthly income at ay may natitira pa, mabuti kung ganun. Ang natitirang pera ay maaari mong ilagay sa bangko para maipon o di kaya pambayad sa mga balanse o utang.

6. Adjust your expenses

Ngayon na alam mo na ang mga expenses o bagay na maaari mang pagkagastusan sa darating na araw o buwan at ang layunin ng pag-budget ng sahod o kita, kailangan balansihin ang iyong gastos sa iyong kita.

Kapag naman mas malaki ang iyong monthly expenses kaysa sa iyong monthly income,ibig sabihin, kailangan mong mag-adjust sa mga variable expenses na pinagkakagastusan mo. Kung may mga expenses kang pinaggagastusan na hindi naman kailangan, dapat mo itong limitahan o tigilan para ang perang pupunta sana sa mga bagay o gawain na ito ay madadagdag sa iyong income.

 

Tamang paraan sa pag-budget ng pera

Mahalagang bantayan ang iyong budget buwan-buwan nang sa ganun alam mo kung may nagbago sa mga pinagkagastusan mo na maaari mong ibalik sa dati mong badyet. Sa pag-budget ng sahod o kita, dapat mas malaki pa rin ang iyong monthly income o sahod kaysa monthly expenses hanggat maari para naman may ekstra kita na pwede mong maipon.

Ngayon na alam mo na kung paano mag-budget ng sahod, maari mo nang simulan ito. Huwag din kalimutan na ibahagi sa iba itong paraan para alam din nila ang mag-budget ng sahod o kita nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.