Alamain kung paano mag-share o mag-transfer ng load sa Globe at TM sa ibang mobile number.

Gamit ang Share-A-Load service ng Globe, maaari ka nang mag-share o mag-transfer ng load kung ikaw ay Globe prepaid at TM subscriber gamit lamang ang iyong cell phone.
Globe Share-A-Load
Kung hindi mo pa alam mag-share o mag-transfer ng load sa Globe at TM, ituturo namin sa iyo kung paano. Madali lang naman ang mga hakbang para makapasa ka ng regular load sa Globe at TM. Maaari kang mag-share o mag-transfer ng Globe at TM load gamit ang tatlong paraan. Ito ang; pag-text, pag-dial ng *143# at paggawa ng Globe account sa kanilang website.
Sa ngayon, ang ituturo namin sa iyo ay kung paano mag-share o mag-transfer ng load sa Globe at TM ay gamit ang pag-text at pag-dial ng *143# sa iyong cell phone kung saan ito ang mas mas mabilis at madali para sa karamihan.
Paano mag-share o mag-transfer ng load sa Globe at TM gamit ang pag-text?
Una, ituturo sa iyo ay kung paano mag-text para mag-share o mag-transfer ng load sa Globe at TM mobile number. Sundin lamang ang mga hakbang sa ibaba.
Para sa mga hindi nag-activate ng PIN
Kung hindi ka pa nag-register ng PIN para sa Share-A-Load, ito ang dapat mong sundin. Text 30 send to 29161234567. Paano? Sundin ang mga hakbang sa ibaba.
Step 1. Gumawa ng text message at i-type lamang ang load amount na nais mong ipasa. (hal. 30)
Step 2. Ngayon, i-send ang text message na iyan sa mobile number ng taong nais mong maipasa ang load amount. Pero bago mo i-press ang send button, kailangan mo munang edit at palitan nang no. 2 ang unang number na 0 sa 11-digit number ng recipient. Halimbawa: Ang number na nakalagay sa recipient ay 09161234567, ngayon i-edit mo ang number na ‘yan at palitan mo ang 0 ng 2.
Kaya dapat 29161234567 ang number ng recipient saka mo i-press ang ‘send button’. May ibang smartphone na naka-automatic na may nakakabit na +63 at ‘yung 10-digit number, halimbawa nito ay +639161234567. Syempre kailangan palitan ang +63 ng 2 bago i-send.
Kapag dual-sim ang iyong cell phone, piliin lang kung saan sim slot (sim1 o sim2) manggagaling ang load na ipapasa.
At para hindi ka malito lalo na kung hindi ka pa sanay sa cellphone mo, mas magandang isulat na lang sa papel ang number ng recipient para kung handa ka nang i-send ang amount ng load, diretso mo na lang i-input sa recipient box ang number.
Step 3. Kapag nai-send mo na ang text message, hintayin lamang ang ‘validation mesage’ sa iyong inbox mula sa number na 2652 + 9-digit transaction number (halimbawa: 26529161234567). (Ang number ng sender ng validation message ay pwedeng mag-iba pwera lang ang unang apat na numero na 2652.)
Step 4. Basahin mo muna ang nilalaman ng text message (para alam mo) at kung nais mong magpatuloy sa pagpasa ng load, kailangan mong mag-reply ng YES sa loob ng 5 minuto.
Dahil kung hindi, ang pagpasa mo ng load ay makakansela at ito ang message na matatanggap mo kung hindi ka nag-reply:
“Sorry, your Share-A-Load/Promo transaction has been cancelled because you were not able to respond within the required time period. Please try again.”
Para sa mga nag-activate ng PIN
Ito naman ang dapat i-send ng mga Globe o TM subscriber na nag-activate ng PIN para sa Share-A-Load. Text 30 1212 send to 29161234567. Paano? Sundin ang mga hakbang sa ibaba.
Para mag-share ng Globe at TM load, sundin lamang ang mga hakbang sa itaas pwera lang muna ang unang hakbang. Ang dapat mo lang gawin sa step 1, ang kailangan mong i-text ay load amount at ‘yung PIN. Dapat may space, halimbawa 30 1212.
Iyung 30 ay ang load amount habang ang 1212 ay ang PIN. Syempre ‘yung 1212 kailangan mong palitan ng sarili mong PIN na pinili mong gamitin.
Paano mag-share o mag-transfer ng load sa Globe at TM gamit ang pag-dial ng *143#?
Maarin ka rin mag-share o mag-transfer ng load sa Globe at TM gamit sa pag-dial ng *143# sa iyong cell phone. Paano? Sundin lamang ang mga hakbang sa ibaba.
Step 1. Pindutin ang icon ng ‘Phone’ sa iyong mobile phone pero kung keypad na mobile phone ang gamit mo, pindutin ang call button nito para mag-dial ng number.
Step 2. Pindutin ang *143# at saka ipindut ang call button.
Step 3. Kung dual sim ang iyong cell phone piliin kung saang sim slot (sim1 ba o sim2) ang Globe na panggagalingan ng load na nais mong ipasa.
Step 4. Hintayin na mag-load ang USSD code number na *143#.
Step 5. Kapag nagpakita na ang mga Globe services na maari mong pagpiliin, ito na ang dapat mong gawin.
Step 6. Piliin lamang ang numero ng ‘My Account’ na 2 at i-type sa blankong patlang sa ibaba saka mo pindutin ang ‘Send’ button at hintayin na mag-load.
Step 7. Piliin ang numero ng ‘Share-A-Load/Promo/MB’ na 3 at i-type sa blankong patlang sa ibaba saka mo pindutin ang ‘Send’ button.
Step 8. Piliin ang number 1 kung hindi ka pa nag-activate ng PIN pero kung nag-activate ka na iyong PIN, number 2 ang dapat mong piliin. I-type ulit ang numero sa blankong patlang sa ibaba.
Step 9. I-type ang halaga o amount ng Globe o TM load na nais mong ipasa sa sa blankong patlang at pindutin ang ‘Send’.
Step 10. At sa panghuling hakbang, i-type ang 10-digit number ng taong nais mong maipasa ang regular load. Lahat ng mga mobile numbers dito sa Pilipinas ay may labing-isang numero na nagsisimula sa 0 (hal. 09161234567). Bago mo i-type ang number sa patlang, alisin lamang ang unang numero na 0 at duretso mong i-type ang 9 hanggang sa huling numero (hal. 9161234567).
Step 11. Pindutin ang ‘Send’ at hintayin lamang ang confirmation message sa iyong inbox at sundin ang huling pang-apat na hakbang (Step 4) sa itaas.
Ito ang mga paraan kung paano mag-share o mag-transfer ng load sa Globe at TM. Kung may mga tanong ka pa, mag-comment lang po sa ibaba at hintayin ang aming sagot.
Leave a Reply