Nawala ba o nasira ang iyong SIM card – ito ang dapat mong gawin

Nawala ba o ‘di kaya nasira ang iyong SIM card kung kaya hindi mo magamit ito para tumangap at magpadala ng tawag o text message?

Paano marecover o maibalik ang cell phone number
Paraan kung paano maibalik ang SIM card na nawala

Huwag kang mag-alala dahil may solusyon kung nawala o nasira ang iyong SIM card. Ito ang dapat mong gawin para ma-block ang number ng SIM card at maaari mo pa itong maibalik at magamit ulit ang dati mong cell phone number.

Paano marecover o maibalik ang number mula sa nawala o nasira na SIM card?

Maraming Pilipino na gumagamit ng prepaid SIM card na hindi pa rin nila alam na pwede pala nilang ma-recover, ma-retrieve o maibalik ang kanilang cell phone number mula sa nawala o nasira nilang SIM card. Kaya ang ginagawa ng iba, bumili na lamang sila ng bagong SIM card.

Kapag bagong SIM card, pati na rin ‘yung number nila ay bago. Kaya bigla-bigla may nagte-text o nag-missed call sayo, akala mo kung sino, ‘yon pala kung kakilala mo. Tatawag sila o magte-text at sasabihin nilang bagong number pala nila iyon.

Pero kung alam nila ang dapat nilang gawin kung nawala o nasira ang kanilang SIM card, madali nilang mare-recover o naibabalik ang dating cell phone number mula sa nasira o nawala nilang SIM card. Gamit ang bagong SIM card pero dating number, pwede ulit itong makatanggap at makapagpadala ng text message at tawag.

Hindi na gumagana ang SIM card?

Kung hawak mo ang iyong SIM card na hindi na gumana, huwag mo itong itapon. Dalhin mo na lang ito sa Smart o Globe service center/store para mapalitan nila ng bago at kailangan mong bayaran ang SIM card.

Kung Smart, Talk ‘N Text o Sun Cellular ang iyong SIM card, dalhin ito sa malapit na Smart store. Kapag TM o Globe ang iyong SIM, dalhin mo ito sa pinakamalapit na Globe store.

Dalhin ang iyong SIM card pati na rin buong card na kasama ng SIM cut para may ibedinsya ka. Huwag mahiyang pumasok sa Smart o Globe store. Tanungin at sabihin sa security guard na gusto mo na magpapalit ka ng SIM card at ituturo sayo kung saan ka pipila (syempre kung maraming customer).

Nawala ang SIM card at walang maipakita?

Kung wala kang SIM card na maipakita bilang ibedinsya, kailangan mong magpagawa ng ‘Affidavit of Loss’ na notaryado ng isang abogado at isang valid ID para mapalitan ng bagong SIM ang nawawala mong SIM card.

Kung mayroon ka na nito, iblo-block ang number ng nawala mong SIM card at gagawan nila ng paraan para marecover ang dati mong cell phone number.

Kapag narecover na nila ng dati mong number, ia-assign nila ito sa bagong SIM card na ibibigay sa iyo para pwede mo ulit magamit ang dati mong cell phone number.

Para makakuha ka ng ‘Affidavit of Loss’, pumunta sa pinakamalapit na serbisyo abogado para magpaggawa nito. Mula PhP 250 lang ang babayaran mo para sa pagpapagawa ng ‘Affidavit of Loss’.

Dalhin lamang ang Affidavit of Loss na ito at isa mong valid ID sa service center o store ng Globe o Smart para may maipakita ka. Kukunin nila ito at ive-verify nila. Sundin na lamang ang mga susunod na hakbang na sasabihin ng personnel a iyo.

Ito ang mga paraan kung paano mare-recover, mare-retrieve o maibabalik ang iyong cell phone number mula sa nawala o nasira mong SIM card. Sana may bagong kaalaman na naman ang napag-aralan ninyo at sana huwag mong kalimutang ibahagi ito sa ibang tao na hindi nakakaalam nito.


Posted on:

Tags:

Comments

205 responses to “Nawala ba o nasira ang iyong SIM card – ito ang dapat mong gawin”

  1. Anonymous

    Yung sim card ko po lagi ko po ginagamit at nilolodan pero bigla na lang nawalan ng signal kahit gamitin ko nasa ibang cp ganun pa din rin, wala pa din rin signal.

    1. EkstraTips Team

      Hello, kailan po ang huling pag-load ‘nyo? Punasan ‘nyo po nang malinis at tuyong tela ang gold plate ng SIM Card. Kung hindi pa rin po gumagana nasa sa inyo kung gusto ‘nyo magpapalit basta na sa inyo po ang mga requirements kaso quarantine po ngayon.

      Mas magandang mag-message po kayo sa official facebook/twitter page nila para i-check nila kung deactivated ang SIM ‘nyo o ‘di kaya ay may maintenance sa area ‘nyo.

      1. Mark

        Sir ganun din po yung akin kahit saang phone ayaw gumana ng sim ko. Dun pa naman ite-text yung sa dole namin. Paano kaya yun sir?

        1. E.T. Team

          Hello, mas magandang i-contact ‘nyo po ang cellular provider ‘nyo para ma-check nila kung deactivated na ang SIM Card. Ano po ba ang mobile network nang SIM Card na ginagamit ‘nyo? Ngayon lang po ba ito nangyari o matagal nang hindi ‘nyo na ginagamit ang SIM Card?

          Kung matagal na pong hindi na ito nagagamit at lalo na kung wala itong load, siguradong deactivated na ito. Basahin ‘nyo na lang po ang ibang comments at replies dito para sa karagdagang impormasyon.

          Pwede ‘nyo po silang i-message sa kanilang official social media accounts. Para tawagan sila gamit ang inyong SIM card, i-dial ‘nyo po ang mobile number nila:
          Globe/TM: 211
          Smart/TNT: *888
          Sun Cellular: 200

  2. Jerry

    Sir, ask ko lang po. May tm sim po kasi ako kaso ilang buwan ko na po hindi nagamit. Tapos nung ininsert ko ulit, wala na pong carrier na nakukuha. Wala na pong signal. May pag-asa pa po ba akong maayos ulit ung sim ko. Magka-signal po ulit?

    1. EkstraTips Team

      Hi, siguradong deactivated na po ang SIM card ‘nyo kung napakatagal na hindi ‘nyo na po ginagamit. Na-deactivated po ito dahil wala po itong load balance na kahit piso. Kapag po may load ito, aabot po siguro nang 1 month ang expiration depende sa halaga nang load, ngayon po 1 year na ang expiration nang load.

      Kapag naman po wala na itong load, aabot po nang 4 months o 120 days bago ito made-deactivate nang tuluyan. Not sure po ngayon kung pwede pang maretrieve at magpagawa nang bagong SIM na may kapareho nitong number. Mag-message na lang po kayo sa official social media page nang TM o Globe.

    2. Maricel

      Tanong ko lang po, yong sim card ko globe may signal naman po nakakatang din message or call matagal ko kasi hindi naload ngayon na iload ko hindi na pumapasok ang load ano po kaya ang dapat ko gawin para hindi po mawala ang sim card ko.

      1. EkstraTips Team

        Hi, baka po mali ang number na niload ‘nyo. Kung hindi po talaga maloadan, punta po kayo sa malapit na Globe store para sa SIM Replacement at doon po kayo magpapalit nang bagong SIM na pareho ang number.

  3. Anonymous

    Good morning po, tanong ko lang, ngayon lang nag-insert sim Ang reloader ko may laman pa ito rin makukuha ko pa kaya ito? Salamat po.

    1. EkstraTips Team

      Hello, medyo nakakalito po ang tanong ‘nyo. Basta active pa rin ang SIM ‘nyo at hindi deactivated. Kapag deactivated na ito, wala na itong mare-receive na signal.

      1. Anonymous

        Pa’no po kapag wala na yung buong card ng sim card at yung mismong sim na lang ang natural, mare-retreive pa po ba yun?

        1. E.T. Team

          Hello, medyo nakakalito po ang tanong ‘nyo. Ano po ba nangyari sa mismong SIM Card ‘nyo, nasira po ba o deactivated na? Kung nasira man po, baka pwede pa rin magpagawa nang bagong SIM na kaparehong number. Mas maganda rin po kahit magtanong po kayo sa store branch ng cellular/mobile network na ginagamit ‘nyo kahit na sa Security Guard nila baka alam nila.

  4. Anonymous

    Hi po, ask ko lang yung retailer sim ko po na smart ayaw na pong guma, laging insert sim na lang ang lumalabas at may laman po yun na 1,800. Pwede pa po bang maibalik yun? Ano po ang kelangan kong gawin, please help me naman po.

    1. EkstraTips Team

      Hello, punta po kayo sa Smart store at dalhin ‘nyo po ang SIM card kasama ang mga requirements. Doon po kayo magpapalit nang bagong SIM card. Sabihin ‘nyo rin po na may load pa yung SIM.

      1. Margie

        Paano po ‘pag ayaw nilang pumayag sa affidavit of loss at sim card lang ang maipakita, nawala na kasi uyng sim bed ko.

        1. EkstraTips Team

          Hello, kung nasira at hindi deactivated ang SIM Card ‘nyo, pwede na po yan basta may valid ID kayo. Hindi ‘nyo po kailangan ang Affidavit of Loss at ang SIM Bed (unless wala na mismo ang SIM Card) basta nasa inyo ang SIM Card.

          1. Noeme

            Hi. Ask ko lang po. ‘Pag na sim replacement ko po ba ang nasira kong sim, mare-receive ko pa po ba ang mga nag-message sa nasirang sim ko? May importanteng message po kasi nag-text dun eh. Salamat sa sagot.

            1. EkstraTips Team

              Hi, matatanggap pa po yata ‘nyo pero kung hindi, ipa-resend ‘nyo na lang sa sender ulit kung pwede.

      2. Jane

        Pwede ko po palitan ‘yong sim card ko? Nawala po kasi matagal na po. Ngayon ko lang po nalaman na pwede po pala palitan ‘yon. Nasa akin po ‘yong ping cut nila ng sim. Pwede po kaya yon kasi sa Samsung store ko din rin po nabili ‘yong sim card nung bumili ako ng cp. Thank you.

        1. E.T. Team

          Hello, anong ‘ping cut’ po yan? Ito po ba yong PVC card (SIM Bed) na may barcode at detalye ng PIN1/PIN2, PUK1/PUK2 at ang mobile number ng SIM? Kung ganun po, pwede po, magpagawa po kayo ng ‘Affidavit of Loss‘ sa isang attorney (less than 500 po ang bayad/fee).

          Dalhin ‘nyo po ito kasama ang PVC card at isang Valid I.D. sa malapit na Smart/Globe Store para sa SIM Card replacement.

          P.S. Depende nga lang po kung gaano katagal na nawala ang SIM card ‘nyo. Siguro po kung nasa isang taon na ito na nawala baka deactivate na ‘to at hindi na pwede ma-retrieve. Mas maganda po na magtanong muna kayo kung pwede pa ito para sa SIM replacement.

          1. Hazel

            Hi po, i-recover ko sana fb ko thru my no. kaso expired na ata sim pa’no po kaya yun? Salamat.

            1. EkstraTips Team

              Hello, once na expired na po ang Prepaid SIM, hindi na po ito pwede i-replace. Regarding sa account recovery, medyo mahirap kapag parehong wala po kayong access sa inyong mobile number o email address na ginamit ‘nyo sa pag-verify ng account ‘nyo.

              Search ‘nyo na lang po sa internet ang iba-ibang ways para ma-recover ang account tapos subukan ‘nyo po i-retrieve. Kung gusto ‘nyo po mawala ang account na yun, gawa na lang po kayo ng bago then i-report ‘nyo as ‘Hacked’ or ‘Pretending to be me’ ang account para i-delete nila.

  5. Anonymous

    Hindi rin nila mapapalitan kapag wala na yung pvc card ng sim? Kahit may valid id or notary affidavit?

    1. EkstraTips Team

      Hello, wala na po ba sa inyo ang SIM card? Parang imposible po kasi na maplaitan nila kung wala sa dalawa (SIM Bed at SIM Card) at ang Valid ID at Notary Affidavit.

      1. Shimaryne

        Hello, paano po kapag wala lahat? Yung number na lang naaalala ko?

        1. EkstraTips Team

          Hi, napaka-strict po kasi ngayon kaya siguradong mahihirapan at baka hindi ‘nyo pa ma-retrieve ang number ‘nyo. Next time na bibili po kayo ng SIM card, huwag niyo po itapon ang SIM Bed nito para may pruweba po kayo na sa inyo ang number just incase na manakaw o mawala ang cell phone ‘nyo.

  6. Rizza

    Paano po kung wala na po yung buong sim card. Meron na lang po yun sim card mismo? Thank you.

    1. EkstraTips Team

      Hello, pwede rin po.

      1. Army-lyn

        Nawala ko po ‘yung sim, nasa wallet ko nailagay siguro nalaglag ‘yun pagkuha ko ng pera sa wallet. Important po sakin ‘yung sim na ‘yun. Pwede po ba magpagawa ulit ng kagaya ‘nya? Salamat po.

        1. EkstraTips Team

          Hello, kung nabasa ‘nyo po nang maayos ang post na ‘to at nagbasa-basa po kayo sa mga comments dito, alam ‘nyo na po ang sagot.

          Depende po kung nasa inyo pa po ang SIM Bed ng SIM na binili ‘nyo (yung parang atm card kung saan nakasalpak ang SIM card mismo). Kunin ‘nyo po yun kasama ang valid IDs at magpagawa po kayo ng ‘Affidavit of Loss’ sa isang attorney.

          Strikto po kasi sila sa pag-recover ng mga SIM card ngayon unless mapatunayan ‘nyo po na sa inyo ang number (SIM) sa pamamagitan ng mga requirements sa taas.

          1. Margie

            Sa akin po kasi may sim card napudpod na pero wala po siyang sim bed, anong gagawin ko?

            1. E.T. Team

              Hello, pwede na po yan, basta nasa inyo na yang mismong SIM Card kahit wala na yung SIM Bed. Magdala po kayo ng isang Valid ID kasama na yang SIM para magpapalit. Libre po at walang bayad.

          2. Hi, may tanong lang ako, yung cellphone at sim card ko nawala 5 araw na, imporatnte lang po yung message dun sa SIM. Paano mag-block at maibalik ang mag-text dun sa Sim card? Smalat po sana ay makareplay kayo sa sa ‘kin.

            1. EkstraTips Team

              Hi, Hi, kung nabasa ‘nyo po sa ibang replies dito, ganito po: Kung nawala o nanakaw po ang SIM card ‘nyo (kasama o hindi kasama ang cellphone), punta po kayo sa malapit na Globe/Smart/Sun Store para po magpa-SIM Replacement pero kailangan ‘nyo rin po magdala nang requirements tulad nang “Affidavit Of Loss,” kahit isang valid ID, at kung nasa sa inyo pa ang SIM Bed/Holder, dalhin ‘nyo na rin po as proof of ownership sa Prepaid o Postpaid SIM na mare-retrieve.

              SIM REPLACEMENT REQUIREMENTS: Affidavit Of Loss (for lost/stolen SIM Card), valid ID, and SIM Bed/Holder (bring if still have it)

              Para po makakuha nang “Affidavit of Loss,” kailangan ‘nyo po pumunta sa isang attorney para magpagawa nito. Less than 500 o 1000 pesos ang fee sa pagpapagawa nito, depende sa Attorney. Kung TM SIM ang nawala, sa Globe Store pa rin po kayo pumunta. Kung TNT SIM ang nawala, sa Smart Store po kayo pumunta. Kung Sun Cellular SIM, may sarili ata silang Store pero kung wala sa inyo, sa Smart Store po kayo magtanong kung pwede.

              P.S. Sa unang comment po kayo mag-reply para o sa “Leave a Reply” section po kayo mag-post ng comment para ito ang unag comment na mag-appear at huwag sa huling comment kayo magreply.

  7. Krish

    Hello po, bali yung retailer sim ko po sa globe bigla na lang po nawalan ng signal, kahit po i-transfer ko po sa ibang phone wala rin, may laman pa po yung load wallet ko, pano ko po ba marecover yung load ko? Salamat po.

    1. EkstraTips Team

      Hi, mas maganda na pumunta po kayo sa pinakamalapit na Globe store dala ang mga requirements at doon ‘nyo po ipaayos.

    2. Hector

      Hello po, nabasa po kasi yung phone at sim ko tapos hindi na po sya nagana a week ago lang po hawak ko pa po ang sim pero wala na po ang sim card holder. Pwede po kaya na yun lang ang dadalhin ko sa smart store?

      1. EkstraTips Team

        Hi, pwede po basta dalhin ‘nyo ang SIM Card at magdala rin po kayo nang kahit isang valid ID.

  8. Gellie

    Hi! Ask ko lang kase yung sim card ko bigla nalang hindi gumana, ang lumalabas EMERGENCY CALLS ONLY. Inalis ko yung sim card akala ko kase sa signal lang then sinalang ko rin sa ibang cellphone pero hindi na binabasa.

    Pwede pa ba yung mapalitan sim card ko ng same number lang at kung may bayad ba kapag ganon? If ever magkano kaya?

    1. EkstraTips Team

      Hello, pwede rin naman po at hindi naman po mahal, baka same price lang kung bibili ka ng bagong SIM. Mas maganda po na maghintay po kayo ng ilang oras/araw bago magdesisyon na magpapalit ng SIM.

      Baka po kasi may system maintenance sa area ‘nyo. Check ‘nyo rin baka na naka-default sa 4G LTE ang network mode sa settings ng mobile phone ‘nyo lalo na kung mahina ang signal ng 4G sa area ‘nyo. Iwasan ‘nyo rin po na hawakan yung gold plate na parte ng SIM, siguraduhing malinis din po ito.

      Pwede ‘nyo rin i-message ang official fb/twitter page ng cellular network provider ‘nyo kung may iba pa po kayong katanungan.

      1. Brixlian

        Good noon po, ask ko lang, nawala po kasi yung cp ko nandun po yung sim na ginagamit ko para sa fb account ko. Hindi ko na ma-open yung account ko kasi yung number ko na nawala ang naka-register sa fb account ko. Maari ko pa po ba itong ma-retrieve?

        1. EkstraTips Team

          Hello, nasa inyo po ba yung PVC plastic ‘SIM Bed’, yung parang ATM card na nakalagay yung SIM cut?

          Para po ma-retrieve magkaroon po kayo ng bagong SIM card na may number ng nawala ‘nyong SIM, kailangan ‘nyo po yung ‘SIM Bed’, 1-2 valid IDs, at magpagaawa po kayo ng ‘Affidavit of Loss’ sa attorney. Ang attorney’s fee po ay nasa ₱250 to ₱500. Dalhin ‘nyo po itong mga requirements sa Globe (TM) o Smart (Talk ‘N Text / Sun) Store.

          Mas maganda po na mag-inquire po muna kayo sa store ng network provider tungkol sa requirements para sigurado.

          1. May

            Hello po, na-reformat iyong cp ng asawa ko, ako po gumawa ng Facebook account niya. Nagpalit po sya ng sim card, nakalimotan ko na po iyong number nya na nilagay ko sa fb account.

            Hindi ko po ma-open iyong account nya kasi wala na po iyong mga SIM card nya. Humihingi po ng verification code ang Facebook, makikita po ba sa Smart iyong mga dating number po? Sana matulungan nyo po ako asap. God bless.

            1. EkstraTips Team

              Hi, unang-una sa lahat, gaano katagal na wala na ang SIM card? Kung mahigit 4 months nang hindi ito nagagamit o wala na at walang load kahit isang piso, siguradong deactivated na ang SIM Card at kung ito ay deactivated, hindi na ito pwede para sa SIM Replacement.

              SIM Replacement lang po option ‘nyo para mabalik ang mobile number sa inyo lalo na’t ito ay Prepaid SIM.

              Gawa na lang po kayo nang bagong account tapos kung gusto ‘nyo po mawala na ang unang account, i-report ‘nyo po yung account bilang “Pretending to be you or someone you know” o “Hacked account” para ma-delete.

              Paalala po sa lahat, kung ginamit ‘nyo po ang inyong SIM Number para sa account verification sa inyong facebook, email (ex. gmail o yahoo), o bank-accounts, make sure na parating may load ang SIM kahit piso para hindi ito ma-deactivated. Kung wala itong load sa loob nang 4 months o 120 days, kahit naka-insert sa phone, made-deactivated pa rin ito.

              Huwag na huwag ‘nyo rin po itapon ang SIM Card at ang mismong SIM Bed/Holder (kung saan naka-print yung PUK/PIN) dahil isa itong Proof Of Ownership kung sakaling gusto ‘nyo magpa-SIM Replacement kung nasira ang SIM Card ‘nyo.

              Kung magpapalit man po kayo nang SIM Card, make sure na i-update ang phone numbers na associated o naka-link sa inyong facebook, email, o bank accounts.

              PS. Gamitin ‘nyo po yung “Leave a Reply” section para mag-post nang comment para kapag nareplayan ay mag-a-appear sa pinakaunang comment sa taas.

        2. EkstraTips Team

          Dapat po kasi nang mawala ang cell phone ‘nyo, bumili na lang po kayo agad nang bagong SIM at nag-log-in po sana kayo sa ibang phone/computer at pinalitan ‘nyo yung mobile number na naka-associate na Facebook account ‘nyo.

        3. Rachel

          Good afternon, sakin po ganon din ang nangyari, ayaw na po talaga nyan gumana, emergency call din po talaga. Anong po ba dapat gawin?

          1. EkstraTips Team

            Hello, depende po. Matagal ‘nyo na po ba hindi ginagamit ang SIM ‘nyo at ngayon ‘nyo lang ulit ginamit? Kung nasa 10 months na katagal, pwedeng deactivated na ang SIM ‘nyo. Dapat po kasi may load na at least ₱1 at valid ang load balance na ito for 6 months.

            At kung deactivated na ang SIM ‘nyo, hindi na po ito pwede ma-reactivate. Ang option ‘nyo na lang po ay bumili ng bagong SIM card.

            Kung hindi naman po, pwede pa naman po kayo mag-request ng bagong SIM na may kaparehong number.

  9. Cortes

    Hello po, isa po akong ofw, tanong ko lang po kung pwede ko pa po bang i-request ulit or ibalik ang number ko. Dito po ako ngayon sa riyadh, mahigit dalawang taon na po ako rito.

    At hindi na gumagana yung TM number ko po, gusto ko sana pag-uwi ko ito pa rin number na gagamitin ko. Kasi napaka importante kasi ang number to sa akin. Ano po kailangan kong gawin? Uuwi na po ako sa december.

    1. EkstraTips Team

      Hi, kung nasa inyo po ang SIM card, hindi na gumagana o nasira, dalhin ‘nyo po ito sa Globe Store kasama ang valid IDs ‘nyo at kung nasa inyo pa po ang SIM Bed nito (yung parang ATM card, kung wala, yung mismong SIM ang dalhin). Sabihin ‘nyo po sa guard at attending staff nila na gusto ‘nyo i-retrieve/recover ang number sa TM SIM ‘nyo.

      Kung nawala (tinapon, ninakaw, etc.), medyo strikto po sila kapag ganito ang kaso. Dapat nasa inyo po ang SIM bed (yung parang ATM card ng SIM cut), Affidavit of Loss (magpagawa po kayo nito sa Attorney, may fee na babayarin po kayo, less than ₱500), at valid IDs.

      May itatanong din po sa inyo. Examples: Ano ang cell number na iyon?; Ano ang huling promo na niregister?; etc. Kung hindi ‘nyo po maalala, sabihin ‘nyo lang po na nakalimutan ‘nyo.

      Basta nasa inyo ‘nyo na ang po ang requirements. Maganda rin po na magtaning po muna kayo sa staff sa Globe store tungkol sa pag-request sa mobile number ‘nyo.

    2. Crislie

      Maibabalik pa po ba ang laman nang nasa contacts nung sim po na nawala?

      1. EkstraTips Team

        Hello, hindi po.

      2. Girlie

        Bigla na lang po ‘di ko magamit ang sim card ko ng tnt almost 5 years ko po sya ginagamit tapos ngayon hapon po ng insert sim card na. Nilipat ko na po sa ibang phone para mai-try ganun pa rin po ang nalabas, insert sim card.

        1. EkstraTips

          Hello, ang gawin ‘nyo punasan ‘nyo po ‘yung sa ‘gold chip’ ng SIM at subukin ‘nyo po i-insert na hindi nahahawakan ‘yon. Kung hindi pa rin po gumagana (pati sa ibang phone), magpapalit na lang po kayo ng SIM sa Smart Store. Check ‘nyo na lang po rito ang mga requirements.

  10. Julie

    Hello, kailangan po ba talaga ng Affidavit of Loss, wala po kasi ako nun, 2 valid id lang. Nawala po sim ko.

    1. EkstraTips Team

      Hi, kailangan po talaga dahil requirement ito. Kung importante po talaga ang SIM na nawala at gusto ‘nyo po ito mabalik, magpagawa po kayo Affidavit of Loss sa Attorney, medyo mura po ito (less than 500, tanungin ‘nyo na lang po ang attorney).

      Dalhin ‘nyo rin po ang IDs ‘nyo at kasama na rin po ang SIM bed nito, yung parang ATM card kung naitabi ‘nyo po.

      1. Guia

        Sir bakit nung nagtanong po ako smart dito sa sm pampanga sabi kung wala na rin yung mismong lalagyan hindi na rin mare-recover yung #?

        1. EkstraTips Team

          Hello, ganun po ba, strikto na po kasi sila ngayon. Next time na lang po, itabi at huwag itapon ang SIM bed (na parang ATM card) kung bibili po kayo ng bagong SIM.

    2. Janela

      Need ng affidavit of loss.. Paano pag wla dn ung lalagyan ng simcard po sir/ma’am …

      1. EkstraTips Team

        Kung wala po yung parang ATM card na pinaglagyan ng SIM, sabihin ‘nyo na lang na wala na. Basta dalhin ‘nyo po ang Affidavit of Loss, valid IDs, at may ilang tanong po kayo na sasagutin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *